New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 6 of 6 FirstFirst ... 23456
Results 51 to 54 of 54
  1. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    448
    #51
    Quote Originally Posted by iceblueyes View Post
    *jon777
    kasi nga "its more fun in the Philippines", mga ibang driver talaga parang sa Grand Theft Auto Driving School nagaral mag maneho
    Yan yung ginagawa ng mga yun e(PUV), kasi in their addled mind they think that's the norm. Bakit naman sila magagalit kung yan ang "proper" way of driving
    tama ka na yan ang norm kaya para sa mga PUV drivers, ok lang na mang cut at ituloy ang mga dangerous moves nila. Pero minsan, kapag ako ay biglang na cut ng isang PUV driver, hindi ako bubusina parang wala lang pero o-overtake ako tapos biglang cut din ang gagawin ko. karamihan hindi bubusina pero meron ding mga nagagalit. yung mga hipokrito ba....

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    339
    #52
    Quote Originally Posted by jon777 View Post

    Ako pag nacut ako ng puv, or kahit private man, binubusinahan ko ng mahaba at tatapatan ko siya at titignan ko. Para naman aware siya na mali yun ginawa niya. Kapag kasi hinayaan natin ng hinayaan yun mga maling ginawa ng ibang driver baka isipin nila tama yun. Mas maganda kung malaman nilang mali at wag na gawin ulit.

    Wag na tayong gumanti na icucut din natin yun nagkamaling nacut ka. Baka disgrasya pa abutin niyo pareho at makadamay pa kayo ng ibang sasakyan.

  3. Join Date
    May 2012
    Posts
    99
    #53
    Quote Originally Posted by jon777 View Post
    6 years ako tumira sa NY. sabi ng mga amerikano, grabe daw drivers ng mga yellow cab doon. ang totoo nyan, mabilis silang magpatakbo pero sumusunod sila sa batas trapiko.
    pag balik ko dito sa Pilipinas late last year, grabe..... halos araw araw umiinit ulo ko dahil sa mga PUV. dami ding mga private vehicles na barumbado/ tatanga-tanga pero i suspect na karamihan sa mga ito, driver at hindi owners.

    kanina lang kasama ko mom in law ko at mga anak ko sa C5. may jeep sa opposite road na imbes na hintayin akong makalagpas, nag U turn si mokong tapos biglang nag swerve papunta sa outer lane para magsakay ng pasahero. muntik ko na talaga siya mabangga dahil less than 20 feet bigla siyang nag U turn tapos kinain yung lane ko. kung wala akong kasama, bulag na siya kanina
    grabe mga yellow cab drivers dun lalo na yung mga Pana... no respect sa pedestrian. mas mainam pa magmaneho yung mga bronx cab drivers compared sa yellow cab. pero mas ungas magdrive yung mga bus drivers dun lalo na yung mga minibus from Jersey almost 3 years din akong napirmi dun for my training. one time dinala ko ng Manhattan yung Ride ko, 1 month lang kalalabas from Casa. nakahinto ako dahil stoplight biglang kumabig yung minibus para mag illegal U turn (gangsta turn tawag nila), ayun nasapol bumper nung truck ko, natanggal. buti na lang may cop dun sa likod ko, nakita buong pangyayari.

    dito naman madami talagang opportunistang walang respetong driver mapaprivate man o PUV pero mas madami sa PUV. ginagawa ko na lang, nagiging apathetic ako sa kapwa motorist ko. assume ko na lang lahat na idiot(kahit hindi) and defensive driving na lang. iwas hiblood.

  4. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    448
    #54
    Quote Originally Posted by zel.chikot View Post

    Ako pag nacut ako ng puv, or kahit private man, binubusinahan ko ng mahaba at tatapatan ko siya at titignan ko. Para naman aware siya na mali yun ginawa niya. Kapag kasi hinayaan natin ng hinayaan yun mga maling ginawa ng ibang driver baka isipin nila tama yun. Mas maganda kung malaman nilang mali at wag na gawin ulit.

    Wag na tayong gumanti na icucut din natin yun nagkamaling nacut ka. Baka disgrasya pa abutin niyo pareho at makadamay pa kayo ng ibang sasakyan.
    i dont do that everytime, kaya nga sabi ko minsan lang. Bubusinahan at tititigan mo? that is a recipe for road rage. maghi-high blood ka pa.... di naman ibig sabihin na binusinahan mo at tinitigan mo eh, titigil na sila sa pagiging bastos magmaneho eh. Unless may super powers ka na kakaiba ang titig mo hehehe

Page 6 of 6 FirstFirst ... 23456
TWU-934 Taxi