+1. One time nasa Buendia, Roxas Blvd intersection ako tapos meron isang rider na feeling i-pampam yung power ng motor nya sa akin, aba, pag Go harurot tapos cut sa lane ko. Next stop light Vito Cruz (CCP) tinabihan ko tapos nung nag go, vrooooom. Habulin ko nga tapos tinatapatan ko, then nung tumingin siya sabay accelerate. Ayun nga-nga ang motor nya na di kaya lumampas ng 80kph. Eh ungas talaga, akalain mo ba naman na hindi nagmenor dun sa Buendia overpass. Inaantay ko nga lumipad motor nya pabagsak ng tulay kaso nung malapit na sa taas biglang nagpreno at nagbounce na lang siya ng konti. Eto na, Roxas Blvd in front of Cuneta, naka fixed speed (o maximum speed) na ang ungas. Tapatan ko nga ulit sabay neutral para mag rev tapos bigla ulit pasok ng gear.
Minsan nakakatawa din paglaruan yung mga ganun lalo na yung mga ignorante. Kung talagang alam mo kung ano kapasidad ng sasakyan mo, hindi ka makikipagkarera sa alam mo na hindi mo kaya dahil mapapahiya ka lang lalo na kung ikaw pa nag-initiate. Ang hindi ko lang talaga maintindihan sa iba, lagi naman ako open window with loud sounds pero pilit pa din ako tinitemp makipag-unahan sa kanila.
Sa mga naka motor, hindi porket 135 ang nakalagay sa unit nyo, ibig sabihin kaya nyan tumakbo ng 135kph. Mga ungas, may araw din kayo.
