New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 8 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Results 41 to 60 of 155
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #41
    post ko lang experienced ko about pedestrians. pansin ko lang pag tumatawid sila either on legal pedestrians or not, pag nasa kalagitnaan na sila ng tawiran eh doon pa sila nagbabagal tumawid or maglakad. medyo kainis lang lalo na doon sa tumatawid sa di tamang tawiran, as in super senyas pa sila ang bilis maglakad sa una tapos magbabagal din pala pag nasa harapan na ng sasakyan. :|

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #42
    Quote Originally Posted by puroy View Post

    ha ha ha ha ha, cool lang bro.baka pag andito ka lalo kang himatayin.dito pag naglakad sila sa pedestrian para silang nasa luneta.maghintay ka till makalipat sila or else isang tawag lang ng plaka mo sa police patay kana he he he
    Last edited by VtEC; August 9th, 2007 at 03:37 AM.

  3. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    107
    #43
    hay..kung pinayagan lang kasi yung suggestion ni BF na 'Na kung wala sa tamang daanan ay pwedeng sagasaan yung tao'.

    siguro pag natupad e2 matatakot na yung mga tao na tatawid sa edsa na di gumagamit ng pink overpass at matututo na silang dumaan sa tamang lugar.

    kasi e2 yung sabi ng kaibigan ko na taga marikina kaso di daw pinayagan.

  4. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #44
    Quote Originally Posted by puroy View Post
    post ko lang experienced ko about pedestrians. pansin ko lang pag tumatawid sila either on legal pedestrians or not, pag nasa kalagitnaan na sila ng tawiran eh doon pa sila nagbabagal tumawid or maglakad. medyo kainis lang lalo na doon sa tumatawid sa di tamang tawiran, as in super senyas pa sila ang bilis maglakad sa una tapos magbabagal din pala pag nasa harapan na ng sasakyan. :|
    Similarly... notice na kung merong jaywalkers na tumatakbo sa gitna ng kalye. Siempre you have to stop for them and let them cross. Once you stop, aba! Biglang babagal ang lakad parang nagmo-model!

    Oh well...

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #45
    Quote Originally Posted by VtEC View Post
    ha ha ha ha ha, cool lang bro.baka pag andito ka lalo kang himatayin.dito pag naglakad sila sa pedestrian para silang nasa luneta.maghintay ka till makalipat sila or else isang tawag lang ng plaka mo sa police patay kana he he he
    hahaha...im still cool, pero minsan pag nagmamadali ka rin para gusto mong sumigaw.

  6. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #46
    Quote Originally Posted by paul_kersey View Post
    hay..kung pinayagan lang kasi yung suggestion ni BF na 'Na kung wala sa tamang daanan ay pwedeng sagasaan yung tao'.

    siguro pag natupad e2 matatakot na yung mga tao na tatawid sa edsa na di gumagamit ng pink overpass at matututo na silang dumaan sa tamang lugar.

    kasi e2 yung sabi ng kaibigan ko na taga marikina kaso di daw pinayagan.
    i personally dont agree to that.masyado ng radical yan.sabi ko nga sa previous post ko, lagi kasi sa pedestrians nakafocus e.bakit di sila magfocus sa mga enforcer.

  7. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    311
    #47
    Bad trip nga yung mga pedestrian na kung tumawid e walang pagmamadali, parang mga naglalakad sa tabi ng buwan. Pero bad trip din yung mga oto na sinasakop naman yung pedestrian lane...

  8. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #48
    Quote Originally Posted by mayana View Post
    Bad trip nga yung mga pedestrian na kung tumawid e walang pagmamadali, parang mga naglalakad sa tabi ng buwan. Pero bad trip din yung mga oto na sinasakop naman yung pedestrian lane...
    Ang badtrip d2 sa Batangas, bubusinahan mo, lilingon(leeg lang ang gagalaw) pero d tatabi. Halos lahat! Panis!

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #49
    Dapat talaga the focus should be more on the pedestrian, and not the enforcer. Dapat nga, kahit walang enforcer, tumawid sa tama ang tao, hindi yung kung kelan lang may nanghuhuli, eh tsaka tumatawid sa tamang lugar!

    Change should come from within ourselves first, before we look for change in others.

    Ako nga, kahit medyo malayo ang lalakarin ko, I'd rather take the pedestrian overpass. Medyo nakakapagod, pero that's my small contribution to inculcating discipline dito sa ating bansa. Baka may ma-inspire din akong iba na tumawid sa tamang lugar, eh di mas maganda

  10. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #50
    pag kasi nainstill na sa utak ng tao na bawal and at the same time ay may fear/respect sila sa mga law enforcers such as the bwayang police (police lang pala he he he) for sure gagawin na nila ang tama.like sa ibang bansa, pinoy law abiding citizens kasi nga yong mga enforcer don mahigpit, ticket agad.

  11. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    186
    #51
    Quote Originally Posted by puroy View Post
    post ko lang experienced ko about pedestrians. pansin ko lang pag tumatawid sila either on legal pedestrians or not, pag nasa kalagitnaan na sila ng tawiran eh doon pa sila nagbabagal tumawid or maglakad. medyo kainis lang lalo na doon sa tumatawid sa di tamang tawiran, as in super senyas pa sila ang bilis maglakad sa una tapos magbabagal din pala pag nasa harapan na ng sasakyan. :|
    napansin ko rin yan bro. nagiging pedestrian din ako minsan. and ang reasoning na naisip ko dyan eh tinitignan nila yung katabing lane mo kung me sasakyan. blind side kasi minsan, hindi kita nung nasa katabing lane mo na me tao palang tumatawid kaya babagal yung tao para makita kung me parating. pero ibang kwento na kapag halatang nananadya yung pagbagal

  12. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    27
    #52
    This incident happened last year:

    I was driving home in pasay from Mall of Asia... I turned right in F.B. Harrison from EDSA... My speed is around 30 kph because there were too many jeeps letting out passengers in the middle of the street...

    Then I saw this pedestrian who was slowly crossing the street from the sidewalk on my right going to the otherside which is the left sidewalk of the street, so I slowed down and decided to just wait for the guy to get to the other side... But the problem is a friend of his from the right sidewalk called him and was telling him something, So the guy who was crossing made an "About face" and started shouting his reply to the other guy on the right sidewalk. So I thought maybe the guy decided not to cross the street anymore because he is now facing a different direction... So I decided to maybe speed-up a little bit so I can get passed him while his back is turned...

    The problem was, the guy made 3 steps backwards until he hit my car cruising at about 40kph... The guys body turned 360 degrees and started rolling in the pavement... At that point I didn't know if I'm going to laugh or get angry... But I stopped on the right side of the street and asked the guy why he was crossing the street backwards... He didn't say much... so I asked him if he was hurt... He said that it was nothing serious... So I offered to just give him a ride, and he said no thanks...

    It's the first time I seen a pedestrian cross the street backwards... I hope I dont see one again... You just dont know which way they're going sometimes...

  13. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #53
    It's best to make eye contact in awkward situations like this. Of course if he's facing backwards, that's another story...

  14. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    2,840
    #54
    ako natatakot para sa pedestrians e, lalo na pag commonwealth o elliptical yung tinatawid nila

    dapat gayahin yung warning sign sa may commonwealth malapit sa philcoa - yung may mangled wreck ng kotse (feroza?).

    walang tawirang nakakamamatay... tapos may lifelike na splattered na tao

  15. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #55
    Yep... the more splattered the images... the better. :-)
    Kung pwede nga, dapat video ang ipakita eh. (e.g. ganito ang pwede mangyari sa mga tumatawid sa maling lugar)

    OT: Nice name, scharnhorst. Are you a WW2 buff?

  16. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    2,840
    #56
    I guess if all sorts of signage fails, talagang pink fence country ang bagsak natin para lang mapwersa na di mag jaywalk ang tao.

    ess: wouldn't consider myself to be a WW2 know-it-all, I just sometimes read about it during free time, and I find that the most interesting topics are the vehicles, and ships... especially the big gun battleships

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #57
    Nakahinto yung Starex, yung tumatawid na pedestrian ang bilis ng takbo. Binangga yung Starex! hehehe. Ewan ko kung sabog yun, mukhang maayos naman ang bihis.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  18. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #58
    Doc baka akala niya bukas yung pinto ng Starex niyo

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #59
    Hindi ako nakasakay sa Starex. It was the Starex in front of me while sitting in traffic (EDSA southbound near Monumento).

    Napabusina nga ako nung nakita ko yung babae. hehehe. Buti hindi nabali yung antenna sa front fender ng Starex. Pagkatapos, lakad lang siya ulit as if walang nangyari.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  20. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #60
    dito sa amin sa probinsya, sa loob ng university campus, masunurin naman ang mga tao sa paggamit ng pedetrian lane. meron lang konting problema:

    1. sobrang bagal tumawid as if naglalakad sa parke (ika nga ng isang post)

    2. may mga pedestrian na bigla na lang tatawid. although sa pedestrian lane sila tatawid, wala sila pake kung mejo alangan na yung sasakyan sa pagtigil. so pag nabangga mo ba sila eh ikaw pa may kasalanan?

    ano ba ang rules sa tamang pagtawid? sa palagay ko syempre dapat sa tamang tawiran ang pagtawid. tapos stop look and listen din ang pedetrian bago tumawid para siguradong walang rumaragasang sasakyan. at pag tumatawid na, mejo bilis bilisan ang paglakad.

Page 3 of 8 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Stupid Pedestrians