Di hamak naman na mas mahirap isabit sa forearm yung helmet kaysa isuot diba?
May bad experience ako sa ganyan... May humahataw na scooter (habang traffic) diyan sa may Quezon Ave., kapag traffic kasi mahilig akong tumingin sa side mirror/rear view mirror kaya ko siya napansin. Nagulat nalang ako ng biglang may kumalabog. Ayun, tumama yung helmet niya sa tail lights ko, nawalan ng control tapos tumama yung handle niya sa katabi kong Adventure. Mabuti nalang at hindi nabasag, wala nga akong nakitang damage eh. :D Yung Adventure nagkaitim sa gilid, dahil siguro dun sa rubber ng handle.
Dapat nga mas maingat sila kasi mas delikado ang magmotor.