New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Results 41 to 46 of 46
  1. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #41
    Mga siraulo talaga mga nanghuhuli na yan. Lagi meron sa magallanes underpass going edsa extension and going dela rosa/buendia. i noticed that all trucks and suvs/vans na diesel yung mga luma mostly ang pinapara. Pero the bus liners na nagpapausok ng sobra at mga jeepneys hindi nila pinapara. Bakit ganun? (i think the bus liner owners eh nagbabayad na sakanila directly para walang huli while sa jeepneys wala sila makukuha dun kaya hindi nila hinuhuli itong mga 'to) kawawa naman mga private vehicles lalo na with diesel engines akala nila pinupulot lang pera na parang ginagawa nila.

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #42
    Di ko parin tinutubos parng nabuburaot ako magbayad sa mga gagong yun. Pero pinadaan ko driver ko kanina dun para malaman kung magkano, ang sabi wala paraw 2k tapos kelangan daw mag pa emission test muna ko sa labas takte dagdag bayad nanaman.

    Tapos meron pang 1st 2nd third offense iba iba daw ang rate.

  3. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    2,618
    #43
    Bukod sa L300 favorite din parahin ng mga yan ang isuzu fuego ko kahit alagang alaga pinapara ako. mga buset!

  4. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    349
    #44
    Mga sir sorry kung medyo OT ito but regarding din ito sa LTO problems.

    Kanina lang naisip kong itry to check sa SMS text nila yung last year car namin na CARNAP (hindi narin nakita). So i text the LTO VEHICHLE + our car plate number before.. after that nag reply telling na yung ganun model & color ay NO APPREHENSION & NO ALARM.( Meaning NO BAD Records), just in case na buo pa ang car namin at na ibenta kawawa naman yung makakabili. Or pwedeng gamitin nang criminals sa mga gawain nila na di na na-nonotice nang mga police espicially the Public one's.) Kasi good record pa sa LTO! (Modus kaya nila ito..)

    BEWARE AND BE CAREFUL sa mga buyers ng 2nd user cars. Hindi lahat ng mga information's galing sa LTO ay tama.

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #45
    Nagagawan kasi nila ng paraan para marehistro ulit kahit carnap na sasakyan kaya ingat na lang sa mga bibili ng second hand at mag duda kung masyado mababa presyo.

  6. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    6
    #46
    Quote Originally Posted by babkalakal View Post
    Bukod sa L300 favorite din parahin ng mga yan ang isuzu fuego ko kahit alagang alaga pinapara ako. mga buset!
    Pinara din Fuego ko sa Kalayaan early this month. Kampante ko kasi alaga makina, kaso marumi ang katawan. Hingi agad ng ECC pero siyempre luma na dahil buwan ng rehistro ko ngayon. Pinapila kami bago sa tulay. Bago sa kin lumang Mazda B220, tagilid na ang likod at madumi din. (Tip lang sa mga naka-diesel na Tsikoters, type na mga naghuhuli ang maruming sasakyan, tipong pinapabayaan.) Sinalang yung Mazda at maitim na maitim ang usok. Siguradong bagsak. Sunod na ko. Dahan-dahan binomba. Walang usok! Mga 5 readings. Laking gulat ko nang lumabas na 6.5 ang average reading! AMP, paanong nangyari yon?
    Nagreklamo mo ako at sinabing na sa history ng Fuego ko di pa ko nagkaka-reading ng over 2. Sabi ko, "Mali makina nyo, i-cha-chalenge ko resulta! Calibrated ba yan?" E, tanggap daw ng DENR ang calibration ng unit nila. Wala talagang usok kaya sabi nya agad, "Madumi lang ang tambutso nyo." Tubusin ko na lang daw sa Makati (malapit sa Fire Station) ang plaka pero paayos ko muna sasakyan at magpa-emission test bago bayaran.
    "O pano, kukunin ko na ba plaka?" Sabi ko, e di tikitan mo, di ako naglalagay (in your face, **shole!). "Sige sir, paki-usapan nyo na lang bisor namin."
    Pumunta kami sa lilim, lumapit yung "bisor" at nag-dialogue na si "enforcer". Sabi ko ,di naman umusok, ba't bagsak? "Saan ba sasakyan niya?" Tinuro ko tapos, umalis na lang yung mama. Sabi ni enforcer, "Sige sir, ok na, bayaran mo na lang emission test na P300." "Babayaran ko kung may O.R. kayo.", sabi ko. Yung test result strip ang resibo daw nila. Sabay iling at sinabihan ko grabe nang panloloko ginagawa nila. Umalis siya at bumubulong na siya na lang daw ang magaabono ng fee. Pa-guilty effect. Ulo*!
    Sunod na linggo, niloinis ko tambutso, palit langis at pa-emission test. Ang reading, 0.86. Na-kwento ko sa technician ang nangyari, sabi nya sa reading na 6.5, black mushroom cloud na raw yon at di mamayos sa change oil lang. I rest my case.
    Tip uli mga bro, i-hose nyo kada-3 buwan ang tambutso para mabawasan ang naiipong carbon. Baka mapara kayo ng mga bwitre.

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Smoke belching ng LTO WTF is this