Naku, with an MC driver, buti na lang at mabagal lang ang takbo ko, subdivison kasi. Nananahimik ako mag drive, tapos may humps na sa harap ko bigla ba naman akong icut nung motor at sumabit sya sa bumper ko buti na lang yung plaka lang ang natupi. Ang malupit nun, Las Pinas Traffic aid sya na naka sibilyan. Eh di bumaba, kinatok ako hinihingi lisensya ko dahil reckles driving daw ako at nagpakilala syang pulis.

Ang ginawa ko pinakita ko lang pero hindi ko ibinigay kahit kinukuha nya. Sabay sabi ko, "Alam mo naman na subdivision ito ganyan ka magmaneho, ako pa ang kakasuhan mo ng reckless driving, eh ikaw naman ang may kasalanan"

Ang sabi ba naman eh, "Nayupi yung plaka ko pano ba yan? Bayaran mo na lang ako."

Tapos sabi ko, "Sige, anong pangalan mo at sa opisina mo tayo mag usap para malaman kung sino ang may kasalanan at baka masuspinde kapa at wala kang helmet."

Ang sagot be naman eh, "Magingat ka na lang sa sususnod."

Ikaw ang mag ingat, pulis ka nga wala kang helmet at tatanga tanaga ka pa magdrive. Tsk tsk tsk...

Sorry O.T.

R.I.P. dun sa rider.