share ko lang din experience ko sa laglag barya gang, sa vito cruz area sumakay yun mga kolokoy, mga 5-6 ata sila,yun isa siniksik yun sarili nya sa tabi ko tpos dalawa sa kabilang side ko naman, yun isa nilang kasama maingay, siguro pang distract, tapos naghulog na ng barya un katabi ko, pinulot ko naman, tapos pgkaabot ko, naghulog uli ng barya yun isa, medyo nakakutob na ko nun, pag upo ko ng maayos, pucha wala na yun wallet ko!good thing may chain yun wallet ko nakakabit sa pants ko, so nakita ko na nakaextend pa yun chain, puchang snatcher nakipaghilahan pa sa kin!yun kumuha kasi nakaupo 2nd to me, so naghihilahan kami sa likod nung isa nyang kasabwat, then finally binitawan na nya sabay sabi "pare wallet mo" patay malisya pa na loko! buti nakuha ko, pucha di pa pala tapos, yun isang katabi ko naman, cellphone ko naman tinitira! binulsa ko na pareho yun kamay ko, plano ko talaga nun pag daan sa may cartimar, may police station kasi dun, bababa ako para isumbong yun mga ugok, pero nagsibaba na bago pa man dumating dun, tsk!
yun isang nakasakay na babae nadukutan ng cellphone, pagkababa kasi nung mga snatcher nagsabi yun driver na icheck baka may mga nawawala sa min, mga snatcher nga daw kasi yun nagsibaba, ayun, bigla na lang umiyak yun girl, wala na daw cellphone nya
