1. pag may sumakay na isang grupo ng mga lalaki na obvious namang magkakasama pero naghiwa-hiwalay ng upuan, beware kagad, pumara kagad kayo sa isang maliwanag na lugar, or tapat ng police station, traffic aide, etc. or pumunta kagad sa harap ng bus. which leads to the 2nd tip.
2. iwasan ang umupo sa pinaka-likod ng bus, kasi pag dito sila tumtira ng pasahero konti lang makakakita, lalo na kung may mga device ka pa na mainit sa mata like iPhone, PSP, laptop (oo, may mga bobong gumagamit ng laptop sa bus). di lang basta salisi ang modus nila, minsan kung mamahalin ang na-ispatan sa yo eh papalibutan ka at tututukan ka ng patalim para makuha yung mamahaling bagay mo.
3. wag gumamit ng mamahaling bagay sa loob ng bus, PSP, laptop, mamahaling cellphone. at sa panahon ngayon KATANGAHAN ang magsuot ng gintong hikaw at gintong kwintas sa loob ng bus.
4. wag matutulog sa byahe, oo puyat ka dahil panggabi ka ang 4am ng umaga uwi mo, pero iwasan mo matulog sa bus, at yakapin mo bag mo, yung wallet nilalaslas yan sa likod ng pantalon kaya lagay mo sa pinaka-loob ng bag mo, pati cellphone.