Warm up mode ako kanina (40Kph) nang may umoovertake sa akin na tricycle. Nasa kalagitanaan pa lang siya ng pag-oovertake nang may biglang sumulpot na Victory Bus (715, ordinary at byaheng Manila) na pa-overtake din.
Bumusina ng bumusina ang Bus habang naka-HL pa, nainis yung tricycle driver. Pagkaovertake sa akin ng ticycle ay sya naman ang inoovertake-an ng Bus, nag dirty finger sya nung nagkatapat sila. Nag-swerve swerve na ang Bus, temang pinipitik-pitik yung tricycle. Hindi natigil sa ganung eksena, pagdating sa intersection, huminto at bumaba ang driver.
Ingat sa bus na ito, maraming kalokohan yung driver!