What did we hate about our fellow MV owner/driver?
I hate Owner/driver of MV with improper or no lightings.
Para pa silang naghahanap ng damay lalo na pag takipsilim!
Yung iba naman takipsilim pa lang e naka highlight na, iba naman walang ilaw nagtitipid yata.
Worse pinalitan ng kulay red ang park light sa harap, kala mo sinusundan mo sa overtaking lane, then pag malapit na e kasalubong mo pala.
Tsk, tsk, tsk...
Yung mga PUV na ayaw buksan yung headlight nila samantalang alam naman nila na madilim yung lugar tsaka yung mga tumatawid na walang pakialam kung mabunggo sila kase naghaharutan pa
para sakin, yun kapag may madilim na two lane highway, may naka high beam , tapos ipapatay nila yun high beam kasi may oncoming vehicle na sa opposite side na naka low beam lang. ayoko nung kailangan mo pang pitikan ng high beam oh babaran ng high beam para ipatay nila yun high nila. ako kasi nag hihigh beam naman din ako lalo sa madidilim na kalsada. pero once na may nakita na kong headlight sa opposite side, switch to low beam kaagad ako. natutuwa ako kapag may ibang gumagawa ng ganyan. at naiinis naman sa mga walang pakundangan sa kasalubong na sasakyan, tapos naka HID pa na walang projectors? grrr!!
Speaking of pula, parang tanga yung mga may darkest tint sa tail lights. Ang labo tuloy
yung mga papansin magdrive. sobrang nagmamadali tapos kung maka swerve eh kelangan pumipitik yun sasakyan. kung makakabig ng manibela akala mo nasa arcade! pero pagdating sa stoplight magkatabi lang kayo, mauunahan mo pa kasi mabagal umusad yun lane nya.![]()
Ayoko sa lahat, yung Pag mag uu-turn ka, imbis na magbagal yung mga nakasalubong, lalo pa nilang bibilisan, minsan pa nga, alanghanin pa magpreno yung iba. pati na din yung mag switch lanes, ganun din sila.
yung nakababad sa 2 lane, di ka tuloy makausad, pati na rin yung unti-unting nagce-creep sa lane mo, mag change lane ka na kung gusto mo, or bumalik ka sa dati mong lane, wag lang yung magalangan ka sa 2 lane.
then yung mga pa left turn na nasa pinaka rightmost ng road, and vice versa, haha, hanap gulo at aksidente ang mga yan.
Yung pag nag drive, yung tipong walang paki alam sa mga nasa likod either ubod ng bagal, o bibilisan pag uunahan.
mga MOTOR na singit ng singit lalo na sa stoplight. NAKAKAPIKON kayo.
yung mga puv na basta na tumitigil sa kalsada.
yung mga natigil sa kanto at makikipag daldalan pa sa kakilala nila
yung mga naka bright ang hl kahit pa maliwanag naman
yung mga kung maka busina nakaka bingi kala mo hindi narinig busina nya
yung mga maka overtake eh basta na, parang ahas
yung mga nag ccounter flow lalo na dito sa cavite ( langkaan, manggahan ) mga naka motor, mga jeep at bus.
yung mga left or right turn, pero nasa maling side.
yung mga sobra maka tutok.
Those drivers who suddenly swerve to your lane going up or down (winding part) in the parking area of a covered mall at each parking level. There are only 2 lanes, both going up or both going down and there is a divider, how hard could it be to stick to their lane? That always happens to me. Plus those going up in a parking area and at the very end before the road levels, they will stop and think where they will go leaving a long queue of cars hanging.
Ok yung road courtesy mo Zel, you're always alert with your lights.
Tungkol sa mga naka-high beam, be patience kasi may mga driver na nakakalimot at kailangan mo talagang paalalahanan (by flashing your high & low). Yung iba galing sa long drive kaya nakakalimot, meron ding matatanda na at yung iba ayaw talagang magpakumbaba. From this four kinds of Driver, my we say na around 25% lang sila ng mga nakakasalubong mo!
This is another problem, HID with or w/o projectors e uso na yan sa mga bagong sasakyan, yung iba naman e nakikiuso kaya di maganda ang sabog ng ilaw. The remedy is 3M magic tint or the like para makasabay ka at may preventive sa mga ganung klaseng ilaw. In additional, kailangan mo rin ng HID pag may dark tint ka sa windshield or else hirap ka mag drive sa gabi!
Dami problema sa kalsada natin, but the solution start with each & everyone of us. Dun sa mga hindi na natin saklaw, "distansiya lang amigo" sabi nila, or overtake mo na lang sila para mawala o mabawasan alalahanin mo.
Bayaan mo lang mga tumututok, kaya nila e. pag nabangga, saka mo ireklamo lalo na kung may pulis o malapit sa police station!
How about if you make an overtake in a safe distance and already in the middle of it, while the vehicle on the opposite lane flashes his light instead of slowing down!
Is it a discourtesy on their side?
Or, is it a recklesness on my side even I knew I can pass ahead of time?
^ Ang nakakatakot lang kasi diyan, sir, is yung bigla nalang papasok sa lane mo. It always happens to me a lot especially in the parking of SM North Edsa. Pag pasok kasi ng parking, sa entrance 2 lanes are going up and 2 lanes are going down for the exit. Pag may nakakasabay ako, pagdating sa let's say level 1 and I have decided to go to the next level and the other driver decided to go to the next level too, instead na dumirecho siya sa lane niya, biglang papasok sa lane ko so I don't have a choice but to brake hard coz it's either he'll hit me or I'll hit the wall lalo pag halos sabay kaming nag land sa isang level.