this happened last payday friday in a 2-lane-2way road. alam nyo naman scenario kapag payday friday. trapik at kung minsan dito sa mga klase ng kalsada ang inyong daraanan, mahina na and 30sec full stop sa public roads.
eto ang nangyari: since stop-and-go ang trapik, meron oras na pinapatay ko nalang ang makina dahil mahaba at matagal ang pila. ayun na nga at nakapatay ang makina ko at umusad ang daloy ng kakapiranggot na kakasya lang ay tricycle. hindi na ako nag-abala na umabante pa. maya maya ay napansin ko nalang na huminto ang kasalubong na lane at biglang nagkaroon ng pila. tapos may sumisigaw sa likuran ko sabay busina ng mahaba pero maliit na tunog. pagsilip ko sa side mirror, pesteng tricycle na nakabara sa on-coming traffic kaya nakatigil ang kasalubong na trak. ayun, napilitan ako umabante.
hindi ko na pinansin ito matapos ang pangyayari. nang humantong nanaman sa pagtigil ng daloy sa lane ko, yung tricycle na nasa likuran ko,umoberteyk na saakin sabay busina ng mahaba dahil ang kasalubong nya ay pampasaherong dyip. si manong dyip naman hindi himinto para palusutin si tricycle sa harapan ng nasa harap kong van. walang nagawa kundi isampa ang trike sa bangketa. si manong dyip malamang pagod narin ay binulyawan yung trike. natawa nalang ako sa nangyari dahil nakahanap kagad yung tricycle ng katapat nya. bwahahahahaha