Ma-iba naman mga tsikoteers. Since napansin ko recently na pasaway na din ang mga drivers ng armored vans, share ko tong experience ko yesterday.

I was driving pauwi na from Waltermart Muņoz. Approaching the exit na halfway na ng sasakyan ang nakalabas e may truck na was about to park so i stopped. On the other side of the road was an armored van waiting to pass just like me. eto ang sample ng scenario.


after makapark ng truck aba naka-nguso na yung armored van na feel na feel ang 2 way na kalsada na ginawang 1 way. Nasa gitna siya, nagulat ako kasi tumutok sa harap mismo ng van (innova) which is kung tutuusin dun siya sa lane niya. wala akong nakitang dahilan para gumitna na siya ng ganun dahil kita sa side niya na malaki ang space.
sample pic:


stop kami pareho at naghihintay kung sinong gagalaw, sa side ko hindi ako makaka-atras dahil may tricycles na nasa likod ko at i know na nasa right way/lane ako at ang armored van na wala namang sasakyan sa likod na pwede namang umatras o gumilid e wala din ginawa. nag-pause ako humingang malalim at inisip yung gf kong 3 mos pregnant. kunuha ko cellphone ko to take a pic ng plate number ng sigang armored van then pinagsiksikan ko na lang yung innova sa pinaka-best ng aking makakaya just to pass. eto yung pic as you can see there is a space between armored van and white l200 van in which lane niya yon.


wala naman akong magagawa kundi magpic lang as evidence at kung sisigaw ako at ibaba ang window e malamang magmumukha lang akong t*nga. baka ihampas lang sa auto yung makapal na pintuan ng armored van and to think na armed nga sila sa loob eh dapat hindi nila sinasamantala yung mga motorista.