eto napapansin ko sa karamihan ng MC riders dito sa atin (sa metro manila). inuulit ko po... di lahat pero karamihan.
- ang ilaw nila parang sakto sa mukha ng driver ng kotse (sa experience ko po, naka stock height lang po mga dina-drive ko)
- feeling nila cross-breed sila ng pedestrian at motorista. ung advantages ng pedestrian at motorista para sa kanila pero ayaw sa mga applicable na batas
- ung gumagamit ng sidewalk na tipong ikaw pa ang tatabi pag nakasalubong mo tapos rerebolusyonan o bubusinahan ka pa pag nasa likod mo
- pag tumatawid ako sa pedestrian lane yung tipong malayo pa sila eh sa halip na mag-menor para makatawid ka eh ang gagawin uunahan ka pa
- naka-signal ka na na kakanan ka at tipong nakanguso ka na tapos ipipilit pa. pag nahagingan mo or sumabit sila eh sila pa ung galit
- ung napakaaaaaa-ingay na tambutso (pati kotse meron). di ko maintindihan kung bakit.
- pag red light tumatambay sa ibabaw mismo ng pedestrian lane (may mga PUV at private cars din na gumagawa nito)
sana mag-improve na ang disiplina ng Pinoy sa kalsada para lahat masaya... peace and happy motoring tsikoteers!