
Originally Posted by
rst619
parang di ako agree sa majority ah. Although tama na responsibilidad talaga ng nakabangga sa likod ung insidente, at tama rin na dapat tayo ang magbigay dahil student pa lang un, di yata ayos na lagi na lang nating pagbibigyan ang mga student drivers. I support the idea na hindi dapat pina-alagwa sa EDSA ung studyante kung hindi pa sanay. Kargo ng instructor un. Kung ako sasagutin mo ng "kaya nga dinala sa EDSA para matuto" e magpapanting talaga ulo ko. Baka magkaperwisyuhan na lang tayo.
on an extreme analogy, tutal alam ko marami nasa field of meds dito. diba ang mga intern hindi lahat pwedeng gawin kaagad? Kayo papayag ba kayo na ang mag-open heart surgery sa inyo ay isang "student surgeon"? Tapos sasabihin sa inyo kaya nga siya mag opera para matuto e? hehehe