New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 31 to 40 of 67
  1. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    374
    #31
    Nakakainis yung mga yan, usually tatlo yung mga window washer. Yung 2 taga sabon, yung isa taga banlaw. Pag sabihin mo ayaw mo, bubuhos parin nila yung sabon, so mapipilitan ka mag abot sa nagbanlaw.

  2. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    354
    #32
    Isang paalala lang po. pero hindi sa akin nangyari ito. sa Lolo ko nung maliit pa ako siguro mga year 1998 * Cavite,Villamor resort. Sinetup kami para mabangga namin yung nasa likod na kotse. Pinaatras ng pinaatras yung sasakyan namin tapos biglang boom. nabunggo yung sa likod na kotse sabay takbo yung parking boy. tapos sabay baba yung may-ari ng kotse. pinapapili kami gagasgasin daw ilalim na pintura or 11,000. pero nakuha sa 3500. Buti maliit pa ako noon.

  3. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #33
    Isa pang katangahan ng mga ganyan yung sila ang mag-unfold or fold ng side mirror ng kotse mo. Wala sila pakialam kahit power retractable o hinde. Nasira na yung sa Trooper namin dahil sa nga kumag na yan

    Pero nag-aabot naman ako kung talagang nakatulong sila.

  4. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    224
    #34
    Ako lagi nagaabot at least 5 pero may nagrreklamo pa din kahit saglit ka lang hehe..
    Dagdag pakisama na lang kasi madalas inaangkin nilang teritoryo yung lugar tsaka posibleng bumalik ka at mamukhaan iba pa rin safe..
    Magkano lang naman kesa mapaano ka o sasakyan mo nakatulong ka pa sa tamad hehe..
    Sa divisoria nga nagreklamo pa sa 50 pesos kaya dinagdagan ko kasi wholeday ako nagpark halos kaya isip ko na lang mall yun hehe..

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #35
    Ako rin 5 bigay ko pag lagi ako pumaparada sa area minsan kung may mga 25 centavos sasama ko. May mga instances nung 5 pesos binigay ko umiling nakita ko sa rear mirror para bang kanya yung parking slot.

    Problema dyan namimihasa sila pag lagi tayo magbibigay, bihira nga na nakakatulong sila kasi minsan nalilito pa ko sa senyas nila saka kelangan mo din tumingin sa likod para verify at di ako basta basta naniniwala sa senyas nila at isa pa lahat ng cars ko may parking sensors so useless.

  6. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    17
    #36
    Quote Originally Posted by shadow3616931 View Post
    Problema dyan namimihasa sila pag lagi tayo magbibigay, bihira nga na nakakatulong
    Eto din napapansin ko. Abuso na sila at obligado ka mag-abot dahil nakokonsensya ka nalang or natatakot na gasgasan pintura mo.

    Para sa mga habit na nag-aabot lagi, sana baguhin ang kasanayan sa practice na ito. In the long run tayo mga may kotse and mag-suffer kasi one day wala na tayo mapaparadahan ng libre. Bawat kanto lagi nalang may kailangan abutan.

    Ayaw ko nagbibigay kasi parang pang-tamad na gawain at taking advantage sila sa guilt mo na kunwari nakakatulong sila. Feeling ko nanloloko lang sila kung wala naman talaga sila naitulong. Meron lang super rare exceptions.

  7. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    111
    #37
    yesterday, there was this creepy looking guy in his late 30s to early 40s at my local supermarket parking lot that was "helping" cars get into and out of the parking lot. no one does that there, including the guards.

    i was able to get into my car and pull into the street but he saw me and he sprints towards my vehicle and starts "guiding" me through the street.

    i just drove by and looked at my rear view mirror and he seemed very aggravated.

  8. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #38
    i usually give 20-50 pesos sa mga nag papa atras sakin... ( kahit yung 20 yr. old kung anak ,ganun din, mas malaki pa nga mag abot...)

    kawawa naman... kunting kawangawa lang... at least may ginawa tumulong mag paatras... kesa sa mga nasa kalsada...

    yung parking boys sa office namin binibigyan ko ng 1k monthly.

    kunting tulong ko nalang sa kanya yun at yung parking slot ko sya naman ang nagbabantay.

  9. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #39

    ^^^ Ako rin, nagbibigay sa kanila, bilang kaunting kawang-gawa...

    Pero, di hamak na mas kaunti lang compared sa iyo, bro.glenn....

    17.8K:snow:

  10. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    375
    #40
    Quote Originally Posted by glenn manikis View Post
    i usually give 20-50 pesos sa mga nag papa atras sakin... ( kahit yung 20 yr. old kung anak ,ganun din, mas malaki pa nga mag abot...)

    kawawa naman... kunting kawangawa lang... at least may ginawa tumulong mag paatras... kesa sa mga nasa kalsada...

    yung parking boys sa office namin binibigyan ko ng 1k monthly.



    kunting tulong ko nalang sa kanya yun at yung parking slot ko sya naman ang nagbabantay.

    No wonder more and more random parking boys pop out everywhere kasi mas malaki pa kinikita nila dyan kesa maging construction worker. I really hate parking boys na yung tipong halfway out ka na tapos tatakbo sila palapit akala mo naman nakatulong pa sila! So annoying!

Page 4 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
parking boyz!