New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 67

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #1
    ewan ko lang kung ito ang tamang forum para dito. nitong mga nakaraang linggo kasi lagi kaming nagtatalo ng misis ko at mga sis ko tungkol sa hindi ko pag-abot ng barya sa mga mokong nato. katwiran ko kasi, madalas sa minsan hindi ko naman talaga kailangan ang tulong nila. ang kinabubuwistan ko sa mga ugok nato yung mag-isa ka lang nakaparada, tapos pag pabalik ka na sa sasakyan mo, bigla na lang may susulpot para mag assist sa kaya o kinaya mo namang gawin. o kaya hihingi ng barya sayo dahil binantayan daw nila ang sasakyan mo kahit hindi mo naman sila dinatnan doon o pumarada ka kasi sa "teritoryo" nila? simpleng kikil. may parking boy nga dito sa banawe na inaabutan ko pa minsan-minsan pero nanakawan pa rin ako ng side mirrors.
    mapa jollibee, chowking, mcdo o saan man na may guard makikita mo pa rin mga to. ang worse lang naman na nangyari sakin tinapik ng malakas gilid ng sasakyan ko dahil hindi ako nag-abot.
    para sakin kahit kaunting barya lang na ibinibigay mo, nangungunsinti ka na sa gawaing tamad at pambobo.

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,822
    #2
    depends on the situation minsan nag aabot madalas hindi, pag kelangan ko talaga ng tulong or medyo mahihirapan ako lumabas sa parking then inaabutan ko mga parking boys. pero pag sobrang dali lang naman lumabas sa parking tapos senyas pa din ng senyas syempre hindi ako nag bibigay, nakakaasar lang yung iba na mag isa ka na nga lang sa parking tapos obvious naman na di talaga kelangan ng tulong. so far di ko pa naman na experience na hampasin ng parking boy ang kotse ko. subukan lang nila at makaka tikim sila.

  3. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,767
    #3
    Mas nakakainis yung mga bata na maliliit kasi minsan pupuwesto sa ginta ng rear bumper eh hindi naman siya kita!!! Makakasagasa pa ko.

    These parking boys cause me to avoid certain places. Sa BF, I would avoid the 711 at President's avenue across Ralph's because of them.

  4. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    89
    #4
    abutan nyo nalang ng kahit singko. baka gasgasan pa kotse nyo pag paalis na kayo.

  5. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #5
    Minsan sisirain pa nila yung diskarte mo sa pagparada!
    Tapos nakaka irita pa yung hirit nila --- "GEHHHH....GEHHHH....GEHHHHH ATRAS....GEH...GEH ATRASSS."

  6. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #6
    Quote Originally Posted by ess View Post
    Minsan sisirain pa nila yung diskarte mo sa pagparada!
    Tapos nakaka irita pa yung hirit nila --- "GEHHHH....GEHHHH....GEHHHHH ATRAS....GEH...GEH ATRASSS."
    tas.. sasabayan ng

    kasya kasya kasya...
    sabay may maririnig ka ng ka-blag

    tas sasabihin sa u ng parking boy.. sabi ko sa u may puno ng akasya

    yari hahahah

  7. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #7
    Basta ako if im not frequent in that place ndi ako nagbibigay. Pero kapag alam ko babalik pa ako dun ng madalas i definitly give kahit na 5 pesos

  8. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #8
    Mas nakakainis yung wash your window boys! Putik mas lalong lumabo pa! ... Kaya if i see anyone of these pest approaching tinotodo ko wiper ko para ndi nila masingit hands nila hahaha!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #9
    Quote Originally Posted by mk View Post
    Mas nakakainis yung wash your window boys! Putik mas lalong lumabo pa! ... Kaya if i see anyone of these pest approaching tinotodo ko wiper ko para ndi nila masingit hands nila hahaha!
    matigas mukha ng mga yan, kung hinde sa windshield sa window sila..ang dudumi naman ng tubig na ginagamit nila. buhay nanaman mga patay gutom dahil tagulan na.

  10. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #10
    Sa intramuros dami din ganyan. Last saturday sinundo ko asawa ko sa Mapua meron sa parking na mga rugby boys nanghihingi ng pera babantayan daw nila sasakyan, sabi ko di ako bababa kaya di kailangan bantay bigla ba naman nagsisigaw si mokong at yung mga kasama niya baba nga kami ng mga kapatid ko sabay tanong ano problema niya yun takbo sila mokong. Di kasi nila kita sa loob na may tatlo pa akong kasama e. Nung paalis na kami kita namin sa gilid ng gate ng intramuros nahithit ng rugby sarap sagasaan.

  11. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    624
    #11
    Pag may mga parking boyz, tinatanong ko sila:
    Me: May bayad ba pag pulis?
    Parking Boy: Wala po.. Ingat po kayo sir!

    Pag tinanong naman ako kung pulis ako:
    Me: May bayad ba pag pulis?
    Parking Boy: Bakit, pulis ho ba kayo.
    Me: Hindi, nagtatanong lang, ito 10 pesos pangyosi.

  12. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,407
    #12
    Just yesterday parked along San Miguel Church along Gen. Solano and J. P. Laurel Street near Malacanang Palace, I never left my ride just stayed inside listening to my radio, parked for around 20 minutes. No sign of pay parking by the government, the only sign I see was observe " One Side Parking ", when I was about to leave I heard someone shouting " uy .... uy .... uy", I saw a man in his late 20's early 30's coming near to my space, I already know he's asking for loose change, ignored him and saw him at the rear view mirror attempting to tap on my car's rear compartment, at this point I can hear him cursing at me for not giving him anything, all the more I would not give these kind of people anything.

  13. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    399
    #13
    Nako mga window boys na yan nakakainis. Normally kung rainy season na i apply wax sa mga windows para walang build up ng water marks pero once i reached an intersection..... Ayun sasabunan, tangal ang wax. Magalit ka man, they dont understand as to why you got mad at them.

    Window gurl: mabilis nagapply ng sabon sa windshield
    Me: bumusina at binaba ang window "ate naman, may wax yan salamin ko tapos sinabon mo nawala na yun bisa ng wax ngayon
    Window gurl: floor wax? Sabay takbo

  14. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    374
    #14
    Nakakainis yung mga yan, usually tatlo yung mga window washer. Yung 2 taga sabon, yung isa taga banlaw. Pag sabihin mo ayaw mo, bubuhos parin nila yung sabon, so mapipilitan ka mag abot sa nagbanlaw.

  15. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    354
    #15
    Isang paalala lang po. pero hindi sa akin nangyari ito. sa Lolo ko nung maliit pa ako siguro mga year 1998 * Cavite,Villamor resort. Sinetup kami para mabangga namin yung nasa likod na kotse. Pinaatras ng pinaatras yung sasakyan namin tapos biglang boom. nabunggo yung sa likod na kotse sabay takbo yung parking boy. tapos sabay baba yung may-ari ng kotse. pinapapili kami gagasgasin daw ilalim na pintura or 11,000. pero nakuha sa 3500. Buti maliit pa ako noon.

  16. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #16
    Isa pang katangahan ng mga ganyan yung sila ang mag-unfold or fold ng side mirror ng kotse mo. Wala sila pakialam kahit power retractable o hinde. Nasira na yung sa Trooper namin dahil sa nga kumag na yan

    Pero nag-aabot naman ako kung talagang nakatulong sila.

  17. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    224
    #17
    Ako lagi nagaabot at least 5 pero may nagrreklamo pa din kahit saglit ka lang hehe..
    Dagdag pakisama na lang kasi madalas inaangkin nilang teritoryo yung lugar tsaka posibleng bumalik ka at mamukhaan iba pa rin safe..
    Magkano lang naman kesa mapaano ka o sasakyan mo nakatulong ka pa sa tamad hehe..
    Sa divisoria nga nagreklamo pa sa 50 pesos kaya dinagdagan ko kasi wholeday ako nagpark halos kaya isip ko na lang mall yun hehe..

  18. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #18
    May pinaparadahan ako dito, puro bata ang nagmamando, pero makikita mo pinangpupusta lang yung mga baryang nakukuha nila. Di ako nagbibigay sa ganun.

  19. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #19
    Quote Originally Posted by glenn manikis View Post
    i usually give 20-50 pesos sa mga nag papa atras sakin... ( kahit yung 20 yr. old kung anak ,ganun din, mas malaki pa nga mag abot...)

    kawawa naman... kunting kawangawa lang... at least may ginawa tumulong mag paatras... kesa sa mga nasa kalsada...

    yung parking boys sa office namin binibigyan ko ng 1k monthly.

    kunting tulong ko nalang sa kanya yun at yung parking slot ko sya naman ang nagbabantay.
    HUWAW!
    baka may 13 month pa yan sayo? ang swirti!
    naalala ko tuloy yung joke sa bubble gang, yung nagbibigay humingi ng dispensa, kinapos na at di na makapag-abot dahil malaki na daw gastos niya sa mga anak niyang nag-aaral.
    sinagot siya nung pulubi: ang ibig mong sabihin, ginagamit mo yung pera ko sa pagpapa-aral sa mga anak mo?!
    baka maya wala ka ng ma-iabot ganyan ibanat sayo.

  20. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #20
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    HUWAW!
    baka may 13 month pa yan sayo? ang swirti!
    naalala ko tuloy yung joke sa bubble gang, yung nagbibigay humingi ng dispensa, kinapos na at di na makapag-abot dahil malaki na daw gastos niya sa mga anak niyang nag-aaral.
    sinagot siya nung pulubi: ang ibig mong sabihin, ginagamit mo yung pera ko sa pagpapa-aral sa mga anak mo?!
    baka maya wala ka ng ma-iabot ganyan ibanat sayo.

    he.he.. MERON NGA AKO BINIBIGAY... Christmas bonus ko sakanya... 2k.. he.he...

Page 1 of 2 12 LastLast
parking boyz!