Guys, recently bought a black Camry 3.5QQ last month. Really went detailing it and everything kakaparada pa lang sa garahe... And just a while ago, around 1020 in the evening, after having dinner in Alabang, nung nakarating ako sa stretch ng West Service Road before mag Bicutan interchange on my way home, heavy traffic... Un pala may trailer na nasiraan malapit sa tapat ng village na inuuwian ko. Nung nasa opposite lane na ko ng sirang trailer, tumigil ung traffic. Nagjam na kasi dun sa harap ung mga nagsisingitan. So, stuck ako dun... mayamaya, habang nakaparada ako sa opposite lane, biglang may THUD! na tunog. Baba agad ako at check, saktong pagbukas ko ng pinto at pagtingin sa likod, ung motor na nakadikit sa sasakyan ko biglang humarurot at halos masagasaan ako sa pageskapo. Di ko na nakausap pero sa kamalasan niya, nahuli ko plaka niya: yellow underbone bike 6752 NF!

Pagcheck ko sa likod, may light scratches PLUS one deep scratch sa gilid ng rear bumper ko! Leche talaga! Kabago-bago pa naman din ng sasakyan.

Sigh... having no traffic report of any sort to submit to insurance, ano laban ko sa motor na un? And if not, ano man lang ang pwede kong gawin para magtanda ang loko? Parang malabo kung kasuhan ko na hit-and-run dahil andaming investigation pang gagawin na mayamaya e di rin naman makoconclude na sya ung dumali (confirm ko nga pala na sya dahil the jeep behind me was too far and all the rest of the motorcycles na nakakita e sinabi saken na un nga ung nakadali saken). Di na bale ang gasgas kahit masakit pero importante maturuan ko un ng leksyon!