Mga peeps, na experience ninyo na ba ito. Nakakita ka ng available parking space in the parking lot. You look at your rear view mirror to check the distance of the car following you. Tapos you move forward diagonally kasi nga magparking pabaliktad. Tapos yung kotse sa likod mo dumeretso at pumasok duon saan ka sana magpaparking. Yun ang nangyari sa akin. Pucha, binusinahan ko, wa epek. So binabaan ko, at sinabi ko ano ba siya, paatras na ako tapos sisingit siya. Anak ng... ang sagot niya, first come first served. Putcha, ang init ng ulo ko. Kasama ko pa kasi ang misis ko and my 4 year old twins. Buti na lang may naging available sa harap mga 6 slots away, kundi... Park ko na lang pero ang sama ng tingin ko sa kanila.

Kung kayo yun, ano ang gagawin ninyo?