New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 93
  1. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    1,251
    #1
    Mga peeps, na experience ninyo na ba ito. Nakakita ka ng available parking space in the parking lot. You look at your rear view mirror to check the distance of the car following you. Tapos you move forward diagonally kasi nga magparking pabaliktad. Tapos yung kotse sa likod mo dumeretso at pumasok duon saan ka sana magpaparking. Yun ang nangyari sa akin. Pucha, binusinahan ko, wa epek. So binabaan ko, at sinabi ko ano ba siya, paatras na ako tapos sisingit siya. Anak ng... ang sagot niya, first come first served. Putcha, ang init ng ulo ko. Kasama ko pa kasi ang misis ko and my 4 year old twins. Buti na lang may naging available sa harap mga 6 slots away, kundi... Park ko na lang pero ang sama ng tingin ko sa kanila.

    Kung kayo yun, ano ang gagawin ninyo?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #2
    maraming gunggong na ganyan...

    ako minsan, dun sa open parking besides podium... aba... bigla ba naman pinasok?

    ginawa ko eh inurong ko nang malapit... tapos kinamot ko yung gulong (since 4wd madali - haha)... ayun... talsikan ang graba sa kotse niya... tapos driver lang pala na tatambay lang at hindi naman nagmamadali...

  3. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    64
    #3
    Pare saan yan? Kasi may nakita ako exactly the same thing na nangyari sa megamall last saturday..May bastos na exped na inunahan ung paparada sana na isang kotse.. Pero a few minutes before nun, may nang agaw din sakin.kaya lang babae e,wala nako magagawa, tsaka ok lang kasi pinaalis din sha,bawal pala pumarada dun. Nakahanap din ako ng better slot a few minutes after..

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    250
    #4
    gagawin ko.. i'll try to park on another slot.

    pero, tatandaan ko ung model nung sasakyan * plate number. next time makita ko ulit lalagyan ko nang tsek mark using a bottlecap, para masabing correct sya sa pagsabing first come first served. kung hindi kami magkita ulit, may balik naman(karma) ung ginawa nyang kabastusan.

    madami din akong nakitang ganyan, kahit naka activate na ung back light * naka hazard ka pa, sasaksakan-at-sasaksakan pa din nila ung space.

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    317
    #5
    kapag ganyan, hintay ka na lang na makapark siya at makaalis. tapos iharang mo yung kotse mo from the view of people. get a piece of paper. crumple mo siya into a small piece. tanggal mo yung cap nung tire valve. pagkasyahin mo yung piece of paper dun at screw mo ulit yung cap. do this to at least another tire. hehe. at least wala ka nasira sa kotse niya. nahassle mo lang siya and you took some of his time (or more) kasi that's what he did to you naman eh. tried this dati sa teacher ko nung high-school. sobrang hirap na hirap siya magpalit ng gulong under the rain. tawa kami ng tawa. hehe pero kung wala takip yung valve niya... gasgasan mo na lang!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,375
    #6
    happened to me once, ginawa ko, bumaba ako, kinausap ko yung namamaneho ng sasakyan, sinabi ko kanina pa ako naghihintay and nauna ako dun sa slot na yun.
    buti naman, marunong umintindi. inalis nya yung sasakyan nya.

    i suggest to try to civil thing to do-- talk to the other party. pag umayaw, saka na kayo mag-isip kung anong drastic measure ang gagawin nyo :D

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #7
    kung ako yun, wala lang, flat lahat ng 4 wheels nya pag balik nya. sus, lagi ako may baon na 2 inch nails sa tools box para sa mga taong ganyan e. hinasa pa yun sa grinder para sure na tatagos. lagay mo lang sa gulong nya, position mo na pag andar e "pfffft!" lintek lang walang ganti tsong! 4 wheels pa hindi lang isa hehehe! kung pwede nga pati reserba nya pasingawin mo e!

    may nag-try gumanyan sa akin sa galeria 2 weeks ago (1st bday ng baby ko sa dreamscape), naka-hazard lights na ako tapos pinapalampas ko ayaw at nag-signal ng right at aagawin yung inaantay kong slot na immediately behind ng car ko at syempre reverse parking. e di binabaan ko (suv din ang hunghang, patrol na white) tapos wala lang, titigan kami. ayun umalis din, nakuha sa sindak.
    Last edited by yebo; February 7th, 2005 at 11:46 PM.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #8
    talk to him/her first na wala naman bastusan...respeto lang sa pag parada...kung emergency o kita mo na sandamukal pawis nya dahil natatae...pag bigyan mo na baka ebakan nya sasakyan mo.

    pag matigas pa rin...gawin mo yung suggestion ni ek2jayvee...ok yun.

  9. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    637
    #9
    sir yebo,
    paturo naman ng paggawa nung nails mo and style narin sa paglagay ng hindi halata? hehehe! :evillaugh

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #10
    IT-LUID ang katapat niyan!!!

    break fluid na nasa loob ng itlog...

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Nangaagaw ng parking