New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 17
  1. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #1
    Tama ba na kasuhan ang driver ng pick-up ng reckless imprudence dahil doon tumilapon sa likod ng kanyang sasakyan ang biktima ng bus?

    both link pareho ng istorya.

    www.abante-tonite.com

    Rider lasog sa 2-sasakyan | Pilipino Star Ngayon » Pilipino Star Ngayon Sections » Metro

    [SIZE=4]Killer bus nangragasa sa Pasay[/SIZE]

    Lasug-lasog ang katawan ng isang 59-anyos na lalaki matapos matumbok ng isang pampasaherong bus ang sinasakyan nitong motorsiklo dahilan para tumilapon ito at sumalpok naman sa likuran ng isang pick-up van sa Pasay City kahapon.

    Nakilala ang biktima na si Nestor Rodriguez, nakatira sa 358 Protacio St. Pasay City na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

    Samantala, pormal na sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ni SPO1 Albert Ignacio ng Pasay City Traffic Enforcement Unit (TEU) sa piskalya ang driver ng pampasaherong bus na Joysell Express na may plakang TXA-167 na si Robisito Lagumbay, 37 ng 169 Road 7 GSIS Hills, Talipapa, Caloocan City gayundin sa driver ng Nissan Frontier na may plakang FSA-808 na si Richard Asilo, 31 ng 18 Collins St. Doña Faustina Village, Culiat, Quezon City.

    Batay sa ulat, tinatahak umano ng biktima ang kahabaan ng Macapagal Ave. lulan ng minamanehong motorsiklo na may plakang XQ-8962 patungo ng Parañaque dakong alas-7:20 ng umaga nang salpukin ng minamanehong bus.

    Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon ang biktima at sumalpok naman sa hulihang bahagi ng Nissan pick-up na minamaneho ni Asilo.

    Nagawa pang maitak­bo sa San Juan De Dios Hospital ang biktima na idineklara rin na dead on arrival sa nasabing pagamutan.


  2. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,759
    #2
    Di ata tama yun? Dapat nga magreklamo din siya sa bus kasi naabala din siya sa accident.

  3. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    56
    #3
    involve na naman ang motor sa accident.. hayz!
    pero kawawa naman yung driver ng pick-up, kasalanan nya ba kung dun tumalsik yung katawan? lasing yata yung SPO1 Albert Ignacio na yun eh! abnormal!

  4. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #4
    Formalities lang naman siguro ang pagkaso sa driver ng pick-up. Pag mapatunayan na wala talaga syang kasalanan, aalisin din ang kaso.

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,757
    #5
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post
    Formalities lang naman siguro ang pagkaso sa driver ng pick-up. Pag mapatunayan na wala talaga syang kasalanan, aalisin din ang kaso.
    ang labo pa rin. so the pickup driver will be required to file a counter affidavit for this? diyan palang grabe na hassle kasi kelangan niya maghanap at magbayad ng attorney. and when he's cleared, may damage pa rin sasakyan niya at wala namang magbabayad.

    not unless di natin alam buong kwento. baka umaatras pala from a parking slot yung pickup at dun sumalpok yung motor. still, itong bus ang pasimuno ng lahat. buhay nga naman. tsk tsk.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #6
    thats the reason why sir na kasama yung pickup sa sinampahan... kasi po kahit wala syang kasalanan na involve yung pickup sa accident... pero it doesnt mean na if your car is involved eh may kasalanan ka na...pero syempre abala din po yun dahil kailangan mapatunayan sa korte na wala kang kasalanan. Di rin natin alam ang istorya. kaya lahat ng kasama sa accident na yun... magbibigay ng affidavit.

    pero yun nga... another motorcycle accident... RIP


    Quote Originally Posted by coiter View Post
    ang labo pa rin. so the pickup driver will be required to file a counter affidavit for this? diyan palang grabe na hassle kasi kelangan niya maghanap at magbayad ng attorney. and when he's cleared, may damage pa rin sasakyan niya at wala namang magbabayad.

    not unless di natin alam buong kwento. baka umaatras pala from a parking slot yung pickup at dun sumalpok yung motor. still, itong bus ang pasimuno ng lahat. buhay nga naman. tsk tsk.

  7. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #7
    Ganyan talaga e. sh1t happens.

    Pero ang alam ko di naman automatic na kaso yan. Kung wala namang makitang grounds para kasuhan, madidismiss din kaagad yan. Pero kailangan pa rin magbigay ng formal statement. Abala talaga.

    Hintayin natin ang mga abogado dito.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #8
    swerte pa din yung pickup at ganun ang nangyari... ang mahirap kung ang naging sitwasyon eh kung nabangga muna ng bus then parating yung pickup at nasagasaan nya yung driver ng motor.

  9. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    631
    #9
    A lawyer told me that it's an SOP for the cops to file charges on everyone involved in an accident that results in serious injury and/or death, even if one's "involvement" is by happenstance. Then after the preliminary hearings are done, those without fault are then let go. I told him it's not cool and it's not fair... he said it's the Philippines.

  10. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,704
    #10
    Too true. It's a sh*tty system. A lot of poor drivers who can't afford a lawyer are left overnight in jail whether or not they were the cause of the accident.

    Ang pagbalik ng comeback...

Page 1 of 2 12 LastLast
Nadamay Lang