anong dapat gawin sa kanila? Pwede ba silang ireport like for example kay Francis tolentino? suspension?
Isang halimbawa ko yung mga pedicab na nagcoucounterflow sa Agham-North Ave-Mindanao ave area. Sa ilang years ko nang dumadaan dito, walang hinuhuli at walang ginagawa ang mga TE tungkol dito. Pero yung mga sasakyan na especially private cars na naabutan ng yellow at red sa intersection, hinuhuli nila. Sabi ko nga sa isang thread dito, kung sakali bang ako mismo ang magcounterflow dyan sa agham, hindi rin ba ako huhulihin?
Minsan pa nga sinabihan ko yung isang MMDA na hulihin naman yung jeep na bumara sa right lane ng North Ave. May signage pa kasi nun dun sa area ng Veterans na right lane must turn right. pero didiretso pala ang hinayupak na jeepney driver kaso naabutan sya ng stop light. Busina ako ng busina yung kumag na TE, wala lang. Yun sinabihan ko sya kumamot ulo lang tapos pina usog lang yung jeep ng kaunti para makalusot kami pero walang ticket.
I think hindi naman isolated case to. Meron pa nga ilan sa inyo nagpost dun TE-Maserati thread na namimili rin ng huhulihin ang mga TE sa Araneta area.
Dapat pantay kasi ang application ng batas. Sabi nga ni ex mayor lim dati, The Law applies to all otherwise none at all.