yep, alam ko nga na bawal.
Kaya nga ako nagtanong sa MMDA kung pwede siya gumawa ng exception, given na all clear yung aurora at edsa. Kung sinabi niya hindi pwede, I would just stayed where I was and endured the traffic crossing edsa.
Pero what the MMDA did after i asked him the question was to wave/ signal me to pull to the EDSA/AURORA corner. Akala ko pumayag na siya. Yun pala fina-flag down na niya ako for the offense asking a question.
Yeah sigurado ako kotong hunting time itong MMDA na ito. This occured the morning after Milenyo hit us. Siguro nag overtime siya the night before at hindi pa siya nag a almusal.
Anyway, na badtrip talaga ako doon. I yelled at the guy and drove off. From my rear view mirror, I saw him walking away. Hindi man lang ni jot down yung plaka ng kotse ko.
Siguro naisip niya, "Well, it was a good try..."
May binaba akong opismate sa EDSA MRT Taft NB (yung sa may 7/11). Since traffic naman and dun din loading/unloading ng mga jeeps ginawa ko, pero after a few seconds may pumara sa aking MMDA.
Me: Good evening po sir
MMDA: Bawal po tayo magbaba dito
Me: Ha, asan yung sign?!
MMDA: points to a sign posted so high na di mo mapapansin
Me: Ay pasensya sir di ko po nakita, pero bat hindi nyo hinuhuli yung mga jeep dito? Sila nga ang pasimuno kaya trapik lagi dito banda
MMDA: Pwede po bang makita yung license nyo sir
Me: OK gives it to him
MMDA: Paano yan sir bla bla bla
Me: Bakit selective kayo kung manghuli? Yung mga jeep nga hindi nyo hinuhuli (I pointed sa harap ang likod na mga jeep na sumasakay)
MMDA: Hindi kami selective sir bla bla bla
At this point nakikipagmatigasan talaga ako since kung bibigyan nila ako ng ticket sisiguraduhin ko na lahat ng nasa harap at likod ko na jeep bibigyan rin ng ticket. Pinaalis na lang nila ako
Marami pang kalokohan dyan sa EDSA Taft pati yung Pasay Traffic kaya laging traffic dyan
- No jaywalking kuno pero kahit umaga o gabi walang pakialam enforcers
- Tricycles sa EDSA
- Ginagawang intersection yung U-turn slot
- Mismong Pasay or MMDA enforcers nagu U-turn sa no U-turn
Pareho tayo ng style. Minsan may nanghuli sa akin sa Ortigas approaching EDSA. Sabi ko bakit hinahayaan ninyong gawing paradahan ng mga PUJs ang gitna ng Ortigas (sa ilalim ng flyover tapat ng Galleria)? At saka cutting trip pa ang mga jeep na yan na biyahe ng Rosario, Pasig-San Juan dapat pero ginawang jeepney terminal na biyaheng Rosario-EDSA/Ortigas at EDSA/Ortigas-San Juan na lang.
would still depend on who wins against whom. hehe
-------------
i had a personal encounter with an MMDA TE once, nung nahagip ng truck yung kasama kong rider. in fairness kay mamang TE kalmado lang siya kahit gusto ko na patayin yung truck driver. handled the situation according to the book...
...kaso nung uwian na (from the police station) nanghingi ng pangkain kasi 5-6pm yun. binigyan ng kasama ko ng 50 ata, pamasahe na rin nya from pier to plaza dilao. hehehe
I know the place, minsan din instead na sa private road ng ATC ako dumaan na kung saan maraming jeep na nag bababa at nag sasakay, dun na lang ako sa Zapote road kumakanan.
Ang bobo naman ng logic dyan na no right turn, unang una green naman at wala kang ma-i-interrupt na traffic flow. Obvious na mangongotong lang mga yan.
^ agree. Kapag alam kong wala ako violation di ko na sinasayang oras ko. Kapag first phrases palang nya alam ko nang gutom lang ituturo ko na lang dashcam ko sabay alis.. Hindi ka naman hahabulin nun kung alam nilang mali ka.
eto naman regarding MMDA anti-jaywalking personnel
sumakay sa bus (na galing laguna) sa may bandang magallanes yung mmda. pagdating sa bus stop ng provincial buses sa may ortigas ilalim e nag-jaywalk mismo yung tukmol patawid galing bus stop direcho sa opisina nila na nasa ilalim din ng ortigas flyover. sa gitna mismo ng intersection kamo nakipagpatintero si tukmol.
ayos din magpatupad ng batas ang mga ito. selective talaga. hehe
sa akin, dito sa makati, green ang stoplight, sumusunod ako sa mga jeep. biglang tumigil yung mga jeep sa intersection, tapos nagyellow at red na ang stoplight. imbes na yung mga jeep hulihin, ako hinuli. beating the red light daw samantalang, hinayaan nila tumigil ng walang dahilan yung mga jeep sa intersection. mukhang kasabwat pa ng mga mokong na jeepney driver na ito yung mga mapsa.
selective kasi ang ilang TE.
Kung yung jeepney driver ang huhulihin most likely kung hihingi sya ng lagay baryang barya lang mga bente hanggang sinkwenta pesos lang o kaya yung tipikal na gagawin ng driver "boss, trabaho lang, mahirap lang kami, kamot ulo atbp". Ang pinaka masaklap pa baka traydurin ng driver itong si TE at abangan at bugbugin sa ibang araw o ibang lugar. In short may "takot" ang TE sa mga public vehicle drivers kasi alam nito na pwede syang resbakan.
Tama yung ilan dito. Dashcam maybe a solution to this lalo na kung wala ka talagang violation o kaya kung meron man, baka mahagip ng camera mo na nagviviolate din yung mga public vehicles at ipoint out mo sa TE na selective sya sa panghuhuli.
by the way, parang wala pa akong napapanood na documentary o TV news report tungkol dito. Hindi pa napaguusapan sa media ito. Alam mo naman sa pilipinas, napagiisipan lang gumawa ng solusyon kung namemedia na. Napakapowerful at influential kasi ang media sa pinas.
dito sa SLEX south bound.. mabubulaga ka na lang from Quirino to San Andres biglang may kasalubong ka na Pedicab.. wala naman ginagawa yung mga TE sa Quirino.. pero pag nasa 2nd lane ka tapos dumiretso ka sa Quirino huli ka agad, kailangan kung didiretso ka nasa rightmost lane ka.. then 4 lanes pakaliwa lahat dapat sa SLEX.. tsk tsk.
Actually, okay lang iyan bro.,- at ganuon din sa ibang bansa : 5 lanes ang kalye,- 4 lanes ang left turn at iyong rightmost lane lang ang diretso. Pero, a few meters before the intersection,- mayroon na silang guide sa mga motorists, para itama ang pwesto ng kanilang sasakyan....
At tsaka,- t*ngn* iyang mga naka-counterflow na padyak/pedicab,- parang sila pa ang may-ari ng kalye at wala namang humuhuli sa kanila.... Dapat sa mga iyan, ini-itsa sa ilog ng Pasig....
“The measure of a man is what he does with power – LJIOHF!”
Duterte for President of the Philippines in 2016!
25.2K:morgensmile:
Di nila hinuhuli yung nag-obstruct ng traffic. Mas busy sila manghuli ng number coding kasi madali. Wala nga namang lusot sa number coding pero yung obstruction baka may lusot pa. Pansinin ninyo, mga TE di nakatingin sa general situation ng traffic. Nakatingin lagi sa license plates ng sasakyan.