Nung New Year lang, nung paakyat kami ng Baguio, may isang Adventure na nasa passing lane. Ang daming sasakyan nang nakabuntot sa kanya pero wala silang ginawa kundi lumusot sa middle lane. So ako nalang ang naiwan. Eh erpats ko sinabi na hindi ata marunong sa express ito magdrive at hindi ata nakakaintindi ng overtaking lane. So para ma-test kung talagang t*nga siya, pwesto ako sa likod sabay ilaw para tumabi siya. Aba, ayaw tumabi. Siguro mga 10x ko siyang iniilawan pero dedma lang ang loko. Ginawa ko, clear yun kanan ko, so pasok ako sabay busina at tinignan ko yun loko. Feel ko eh parang wala lang sa kanya yun situation dahil easy easy lang siya. Then pwesto sa unahan niya sabay accelerate. Di nila naisip na takaw aksidente yang ginagawa nila. Dapat doon sila sa outermost lane kung gusto niyang mag-cruise sa ganung speed