Share ko lang experience ko while riding a Jeep. Yung driver ng jeep na nasakyan ko mukhang nag-aaral pa lang pumasada. Katabi niya isang matandang beteranong driver na nagbibigay ng instructions. Eto mga dialog ng matandang instructor:

==============
Green ang ilaw:

"Bagalan mo pa para pag malapit ka na sa kato sa may traffic light ay magiging pula na yan." Eksakto ikaw ang nasa una. Mas maraming pasahero doon."

Nag-green ulit ang ilaw:

"Wag ka munang umandar, may pasahero pa. Bayaan mo yang mga bumubusina sa iyo!".

Nag-orange ang Ilaw:

"Ayan takbo na."

Pagdating sa Kanto:

"Sa kanto mo ihinto kung may bababa. Maraming pasahero doon".

===============

Lahat talaga ng katarantaduhan sa pagmamaneho gaya ng pag-counterflow, pag-harang sa intersection, at pagbaba at pagsakay sa kanto ang itinuro ng matanda! Tingin ko majority ng PUV drivers (Jeep, Tricycle, at Bus) at service drivers (delivery trucks and vans) ay ganito ang training. Maraming mga private drivers din natin ay kabilang dito.

Kung maglilinis tayo ng kalsada e mabuti sanang umpisahan sa training or re-training nga lahat ng nagmamaneho o gustong magmaneho. Importante na independent at credible non-government institutions gaya ng AAP (or tsikot) ang mag-oversee nito. Kapag hindi pumasa sa training at exams ang aplikante, walang lisensiya. Sa Germany, halimabawa, halos isang taon ang preparation (written at practical exams) ng kaopisina ko bago siya nakakuha ng lisensiya. Sa Singapore, ganoon din.