Sa QC angdaming mga kalyeng puro butas gawa ng paghuhukay ng Manila Water. Sa P. Tuazon, sa isang block mga 4 na butas yata nandun, ang tagal na nito hindi pa rin natatabunan. Nakakainis, minsan nagiging cause na ng traffic dahil lahat ng kotse halos huminto na dahil sa lalim ng lubak.

Minsan tinatabunan, pero lupa or buhangin lang. Isang ulan lang wala na.

Ano ba ang patakaran dito? Sino ba dapat ang umayos ng sinisira ng Manila Water/Maynilad? local government ba? Wala ba silang deadline para tabunan ng cement o aspalto yung butas?