actually kakampi ko yung bgy chairman, sunod sunuran yun sa father in law( na nakatira 2 houses away from us). Problem is madaling mabola byenan ko lalu na mga paawa effect ng mga taga squatters.
regarding sa neighbors, wala namang nagrereklamo except us and yung sa tapat namin na mismo tinayuan ng court sa gate nila.siguro aaksyon lang mga ibang neighbors kung dun ko pinalipat sa tapat nila o mismo harapan nila which i doubt na papayag sila hehehe. kakaunti lang may cars dito sa neighborhood namin, most of them ay mga jeepneys and owners pa.at yung mga anak nila ay naglalaro din ng basketball dun sa court kaya malabo makahanap ng kakampi.
Yung ring napatanggal ko na the day after malagyan ng thinner kotse ko. pero yung stand andun pa. baka mamya bigla nalang maibalik yung ring, baka nagpapalamig lang siguro pag nakalimutan na tuloy ang ligaya nila.
Mahirap nga situation namin dahil squatters ang kalaban ko, pati ibang kapitbahay ko mala squatter din ugali. I was just thankful na at least kotse ko nadisgrasya and not my loved ones, yung anak ko madalas pa naman maglakad sa kalsada papunta sa lolo niya