Hello po! May isha-share lang po akong nangyari sa SM kanina sa amin ng dad ko.

10:40 a.m.
Pabalik na kami sa kotse namin nang biglang sinabi sa paging thingamajig na "Paging the owner of a RED NISSAN SENTRA with plate no. DKS8**, please proceed to Parking 5 immediately"

10:45 a.m.
Nasa may kotse na namin kaming 2 nang biglang madatnan naming WTF! SI SENTRA(B13), NAKAPARADA NA TALAGANG WALA KAMING LABAS AT SA TAPAT NAMIN NAKA-PARK!! Puno kasi ang parking noong time na iyon. Siguro naisip niya na "mamaya pa naman itong innova na ito aalis, dine na ako magpa-park sa tapat niya" Kaya ayun! kami ay nag-hintay sa may-ari ng sasakyan. Sabi pa ng papa ko na baka nanonood ng Pacquiao iyun.

11:00 a.m.
Pina-page na sa supermarket at sa dept. store yung may-ari at Lo! Wala pa rin siya! Pabiro kong tinanong sa guard na "Manong, pahiram ho ng baston ninyo nang..."

11:15 a.m.
Napaisip ang papa ko na BUHATIN YUNG KOTSE SA LIKOD AT ITULAK SA TABI (kasi naka-handbrake si sentra). Nagulat ako nang BINUHAT nila(kasama ng mga guards at mga naglilinis) yung likod at naitabi ang kotse ng dupang na driver. At ang pagtulak ay worth it! Nakalabas kami sa parking space at bago umalis, nagpasalamat kami sa mga guards.

Some notes:
1. Yung B13 na pina-page sa mall at yung nakaharang sa amin ay iisa.
2. Hindi na kami nagkita nung may-ari ng B13
3. In the 1st place, walang karapatang magalit yung may ari ng Sentra kung bakit inisod yung kotse niya, kasi siya yung sagabal sa daan, tama po ba ako?