
Originally Posted by
FrankDrebin
Hehehe. Last Saturday night lang, pauwi na ako galing sa pinsan ko sa Blum. Napansin ko na itong jeep(blue ang hood at semi-stainless) na byaheng Blum-Nova na maharot sa daan. Sa may Ping-Ping lechon pa lang eh makulit na. Pinalagpas ko na baka 'kako masabitan pa ako eh ako pa ang mas lalabas na talo. So smooth running uli pauwi sa Bulacan. Malapit na ako sa Shell A. Boni(near NLT), ayan na naman si Kups at nagpang-abot na naman kami at bigla na lang nag-cut(i'm in the inner left side) sa lane ko dahil ma lalabas na truck galing Shell. Nangkopow muntikan na kami! Road rage enable na! Nagbaba ng pasahero si kups before cloverleaf at buti na lang may artillery ako(kabibigay lang ng pinsan ko ng isang tray na itlog), tinapatan ko yung driver side at sinunod-sunod ko ng tatlong itlog yung driver. Dinig na dinig ko yung mura ni kupal. Hindi lang makababa dahil sa reserve na gulong niya. Hindi ko lang alam kung natamaan ko sa mukha pero halos lahat sa manibela at katawan niya ang tama. So umandar na ako at aba hahabol pa yata sa NLT. Aber tingnan ko nga kung hahabol. Eh hindi kayang sumunod. Lumiko rin na sa flyover. Kahit papano nakabawi rin at nailabas ang sama ng loob.