
Originally Posted by
Bogeyman
With all due respect, hindi sapat na dahilan yun para hindi sila magtino sa daan. Kesyo pagmemay-ari nila yung taxi o nakikilabas lang, may lisensya pa rin sila. At ang ibig sabihin pag may lisensya ka, meron kang responsabilidad na sumunod sa patakaran ng lansangan. Ang tamang pag-uugali sa daan ay hindi dapat naka-depende sa kung ano ang estado mo sa buhay. Sa tagal ko nang nagko-commute bago ako naging motorista, madami na akong nakasakay na tsuper na talagang ubod ng pangit ang ugali sa manibela, hindi na ako nagtataka kung bakit hindi sila makaahon-ahon sa kahirapan.
Wala namang trabahong ubod nang dali. Kung nahihirapan silang magmaneho, humanap sila ng ibang linya, yung hindi nakakaperwisyo sa kapwa nila.