Fellow Motorist...
I have some issue which is very interesting to talk about. This was sent to my email by a fellow tsikoteers and it is very interesting to share so we can get everybodies comments and reaction...
-----------------------------------------------------------------------
Noong 2007, ang kontrata ng STRADCOM sa computerization ng LTO ay nagtapos
na. Subalit dahil nakasaad sa kontrata na "HAWAK NILA SA LEEG" ang LTO,
dahil sa pagtatapos ng kanilang kontrata ay dadalhin nila ang mga computer
hardware at software, at ang ititira ay ang DATA lamang, nanatili ang
STRADCOM sa LTO. Patuloy sa paninigil ng COMPUTER FEE kahit na ang DATA
ng bawat sasakyan ay naka-encode na at wala ng dapat pang i-build up o
i-data entry. Patuloy ang pagkulekta ng STRADCOM ng bayad, dahil walang
kumukwestiyon, sa ilalim ng ilong ng mga motorista.
Sa kabila nito, ang pamunuan ng DOTC at ng LTO ay humingi ng mas malaking
"PARTE", ibig sabihin, patong, lagay, kickback, etc, dahil nga naman,
tubong lugaw na ang STRADCOM dahil dapat tanggal na nga sila. Syempre pa,
medyo nagpakipot ang pamunuan ng STRADCOM at nagmungkahi na magdagdag na
lang ng mga singilin sa motorista dahil anila, mga bobo naman at hindi
aangal. Kung may aangal man, kokonti lang dahil gaano na lang ba ang
sisingilin eh minsanan lang naman ang bayaran isang taon. At anila, may
pera ang mga motorista dahil naka-sasakyan nga. Dito na ipinatawag ng
STRADCOM ang kanilang mga "money making" thinktank upang umisip ng mga
paraan kung paano pa makaka-kolekta ng dagdag kita upang lalo pa silang
magkamal ng salapi.
Unang pinalusot ay ang tinatawag na INTER-CONNECTION FEE daw. ito ay
karagdagang P70.00 pesos kapag ikaw ay nagpa-smoke belching test.
Napansin ba ninyo, bukod sa P350.00, eh may naka staple pang resibo na
P70.00? Me narinig ba kayong angal? me umapila ba? wala di ba. e ano nga
ba yung P70.00 peso eh naka Honda CITY ka naman. chicken feed!!!
YUN ANG BASIS NG STRADCOM, walang aangal dahil barya lang ang sinisingil
nila. Naunawaan nyo ba kung ano yung inter-connection fee? Malay mo nga
naman diba, nadale na kayo dun pero okay lang
kayo kasi nga P70.00 lang.
But wait, 8 million registered vehicles X 70.00 = 560 million pesos na
walang kahirap hirap. EVERY YEAR HA. Malaki din pala nadudugas namin sa
inyo. Aangal na ba kayo?
Pero dahil mga buwaya nga, talagang walang kabusugan. Kaya pinulong ulit
ng mga hunghang ang mga evil brains para utusan na, "Pigain na natin ng
husto ang mga bobong motorista, bayad naman ng bayad eh". At dito na
ipinanganak ang unang plano na "Car info sticker" kung saan didikitan ng
sticker ang mga sasakyan, nakalagay dito ang mga detalye na makikita din
naman sa "Certificate of Registration" o "CR", at sisingilin nila ng
P300.00 yung sticker. Di syempre sangkatutak na angal ang inabot nila.
Napigilan ito, hindi napatupad. Bulilyaso! eh kasi nga walang bahid High
Tech. Mantakin mo nga naman na sticker lang tapos ang impormasyon eh nasa
CR na din, hindi umubra. Ipa-photocopy (reduced) na lang yung CR at idikit
sa windshield, sabi ng mga pilosopo kaya na-abort yung evil plan number 1.
Pero hindi agad susuko ang evil brains ng STRADCOM, kailangang magmadali
dahil dapat magkapera at ma-implement ng October. Na browse sa internet
ng mga IT gurus ang tungkol sa RFID, at iminungkahi agad kahit na hindi
pang vehicle talaga. Napagkasunduang, pwede, at inaprubahan agad. Ang
siste, ang lalamanin lang ding impormasyon nito ay kung ano ang nakalagay
sa CR, pero, may bahid high tech na, kasi R.F.I.D. na. Naintindihan nyo
ba ibig sabihin ng RFID? Basahin nyo na lang sa last part.
Tatlong klase ang pwedeng gamit ng RFID:
1. sa simpleng paliwanag, parang tag lang ito, barcode or product code.
na ang corresponding data or information ay mare-retrieve mo sa main
computer gamit ang isang reader or scanner.
2. o kung ito ay may microchip, pwedeng mag store ng data dito at
marere-trieve din ang data gamit ang isang reader.
3. at ang pinaka delikado sa lahat, na maaring gamitin laban sa mga
motorista, PWEDE KANG I-TRACK ng ahensiya. RFID ang gamit sa mga producto
sa mga dept stores na medyo mahal ang item at RFID din ang gamit sa mga
cargo ng freight services.
Pero may pakinabang ba talaga tayo sa RFID kung ito ay gagamitin sa mga
sasakyan? WALA. ang tunay na gamit ng RFID ay para sa PRODUCT TAGGING,
INVENTORY, AT TRACKING. Sa mga producto para ma-track mo kung nasaan na
yung location dahil kada daan nito sa isang area, nababasa ng reader ang
RFID at alam na dumaan na ito. Maaaring naglalaman din ito ng info kung
sino ang manufacturer, kung ano ang laman, timbang at kung saan ang
destinasyon, dahil nakalagay na ito sa RFID o sa main database.
Alam ninyo, may malaking blunder ang kompanya namin dito eh, ang STRADCOM,
dahil nag-implement kami ng information via TEXT lang kung saan ite-text
nyo lang ang plate number, makukuha na information ng isang vehicle. Eh,
imomodify lang namin yung info na binibigay ng TEXT project namin, at
bigyan exclusivity sa mga enforcers lang ng LTO, nagawa na agad ang
gustong gawin ng RFID System.
Di ko na nga lang masikmura ang kagarapalan ng mga amo namin na sobrang
magpayaman samantalang kami ang tumatrabaho eh nangungupahan pa din kami
ng bahay. Anak ng toklang, ibuking ko na lang di ba.
Eto itanong ninyo sa STRADCOM para mabuliyaso sila.
Bakit kelangan ng i-implement ngayong October?
1-kasi pinipiga sila ng isang mataas na opisyal ng LTO na tatakbo sa
darating na halalan.
2-Kasi kung mapalusot nila ng October, tahimik ang november at December,
pag dating ng January parang may basbas na dahil nga nasimulan na ng
October at dapat mag start na ngayong October, kasi pag sa January mag
start, titirahin ng mga pulitiko, at baka tamaan pa ng ban.
Pag naka RFID ba, di na kelangan magpa stencil at magpasmoke belching pag
magpapa rehistro?
Kelangan pa din. Ano yung sinasabi nilang mapapabilis na rehistro? For
your info walang mase-save na time sa pagpapa-rehistro ninyo. same
procedure.
ANG KATOTOHANAN:
HINDI MAPAPABILIS ANG TRAPIKO GAMIT ANG RFID (ipadetalye ninyo sa STRADCOM
ito)
HINDI BIBILIS ANG REGISTRATION PROCESS NG IYONG SASAKYAN GAMIT ANG RFID
(eto rin)
HINDI MAPIPIGIL NG RFID ANG MGA SMOKE BELCHERS (eto pa)
PWEDE KANG MA-TRACK KUNG NASAAN KA GAMIT ANG RFID SA IYONG SASAKYAN.
HINDI MAWAWALA ANG MGA KOLORUM GAMIT ANG R.F.I.D.
PWEDENG GAMITIN NG MGA KOTONG LTO ENFORCERS ANG R.F.I.D. (sasabihin lang
ng LTO officer na sabi ng RFID hot car gamit mo)
Ang bottom line. WALANG PAKINABANG ANG CAR OWNER SA RFID, O MAGING ANG
LTO. SIMPLE LANG ANG PURPOSE NITO: ISANG MONEY MAKING SCHEME ANG R.F.I.D
DAHIL GENERALLY, NA SURMISE NAMIN NA ANG MGA OWNER NG VEHICLE AY WALANG
PAKIALAM SA KANILANG BINABAYARAN DAHIL MAY PERA SILA, AT HANDANG MAGBAYAD
KAHIT ANONG SABIHIN NAMIN BASTA HINDI NILA NAIINTINDIHAN TULAD NG R.F.I.D.
HANAPAN NINYO ANG STRADCOM NG PROJECT STUDY, COMMUNICATION DOCUMENTS,
SYSTEMS STUDY, SYSTEM DOCUMENTATION, IMPLEMENTATION PLANS, APPROVAL NG
NATIONAL COMPUTER CENTER, AT MAGING KRITIKAL KAYO SA DATES DAHIL
SINISUMULAN [A LANG NILANG GAWIN ANG MGA ITO.
AT ILALABAN NILA ITO NG DIKDIKAN, MAGHABOL NA KAYO SA KORTE IKA NGA NILA.
NAGSIMULA NA SILA NG COMMERCIAL SA TV DAHIL SA TINDI NG OPPOSITION DITO.
KAILANGAN NILANG ILUTANG ANG STRADCOM. BAKIT SUMUGAL ANG STRADCOM AT
INEXPOSE ANG KANILANG TAHIMIK NA OPERATION EH KUMIKITA NA NGA SILA NG
WALANG INGAY? DAHIL SA 2.8 BILLION NA KIKITAIN SA PROYEKTO SA LOOB LANG NG
ISANG TAON AT DAHIL SA PRESSURE SA TAAS NA I-IMPLEMENT NA ITO, PARA MAKUHA
NA ANG PATONG.
----------------------------------------------------------------------
Note:
I hope this is not true! Nakakatakot ito.....![]()


Reply With Quote

)

