yup! pero ang ka-chicken ko eh yung mga koopaloids na motorcycles/scooters na akala ata eh kasama sa price ng motorsiklo nila yung karapatan na maging koopal sa daan... :twisted:
yup! pero ang ka-chicken ko eh yung mga koopaloids na motorcycles/scooters na akala ata eh kasama sa price ng motorsiklo nila yung karapatan na maging koopal sa daan... :twisted:
pag mag-isa ako at may makukulit na nag i illegal counterflow... pinatatabi kong pilit
stop na lang ako sabay kain ng saging or suklay ng buhok...
pagtinopak naman ako, head on sya ko ng gabuhok at pipilitin ko syang umatras hanggang makaabot sa dulo...
Pag mag isa lang ako talagang hindi ko pagbibigyan at stop nalang ako pag malapit na talaga and wait ko sya bumalik sa lane nya.
brother ko naman, pag may ganyan hinahagis ng lata ng air freshner..even those who wont dim their headlyts![]()
i dont play chicken, i always have used double A or triple A batteries and screws or nuts on my cars ashtray. what i do is upon passing to the a-hole driver, binabato ko yung bintana nya or sometimes ihahagis ko lang papunta sa windshield nya. parang ganito oh! :aray:hehehe!
ako, hinihintuan ko and di ako naalis hanggang sa makalusot sya. Pag narrow streets na two lane, patayin ko na makina sabay higa muna,kahit abutin kami maghapon problema nya yun and it works.
Ako hindi ko na mabilang kung ilang beses nangyari sa akin ito.
Many times sa Boni Serrano (Santolan near EDSA) dito kasi traffic yung papuntang EDSA so madalas ang counterflow dito. Ako rin palaging high beam and speed with matching busina.
Many times din sa Ortigas (intersection ng Ortigas at Boni Serrano/Santolan) kasi traffic din yung papuntang Ortigas/Greenhills dahil sa pesteng traffic lights so counterflow din mga sasakyan dito. Last na naka-face-off ko nitong Tuesday ng gabi lang eh isang Hyundai Getz na naka HID pa.
So Suzuki Alto vs. Hyundai Getz ang labanan hehe, high beam din ako and busina (buti panakot talaga busina ko hahaha) ayun nung malapit na kami sa isat-isa, medyo nakasingit ng kaunti sa lane niya.So kung may tsikoteer dito na nagcounterflow papuntang greenhills ortigas na ang ride ay Hyundai Getz na naka HID, ako yung naka-face-off mo hehe.
depends on what i'm driving, i only do rarely if i have a way bigger car (suv) vs a smaller car or bike but still i don't suggest it. but i always make sure i have enough space if i have to chicken out and i just carry my speed but i always have my foot over the brake pedal just with a clear idea on my actual braking distance for the situation
P*#$, kakapost ko lang kahapon dito tapos pag-uwi ko kahapon doon din mismo sa Ortigas/Santolan intersection din, may nag-counterflow na naman na Black Nissan Cefiro.
Eh di ganoon ulit ang ginawa ko, high beam and busina, aba hindi talaga natinag ako ang nag-chicken. Umiwas ako as-in magkadikit na yung side mirrors namin. Driver lang yata ang kumag kaya hindi inaalala yung sasakyan niya.Bad trip porke't maliit yung dala ko. siya pa ang nagmatulin samantalang nasa wrong lane siya. Ang sarap sabihan na "G*#$, kung pwede yang ginagawa mo sana lahat ng nakapila sa napakahabang traffic eh nakasunod sa iyo!"
Makita ko ulit siya, sa susunod eh magre-rent ako ng Owner Type Jeepney tapos rematch kami, I'm sure hindi ko na kailangan kumabig.![]()
ako when i was going to laurel batangas...arond talisay area or after i don't reco the places there
going around 60 70 kph then meron sari sari store mag ama..hawak nya anak nya mga 7 yo siguro yun nka talikod sila sa road then suddenly bigla tumakbo at tumawid yun kid without looking and muntikan na sya masagasaan ko buti na lang wala ako kasalubong ni move k sa left yun steering with full break and lowered gear from 3rd to 1st buti walang nangyari sa kid and oto ko
meron na din ako nakatapat na mga nagkakacounter flow kahit traffic. di ako umaalis sa lane ko. thankfully, madami mas nauuna mag-'chicken' kesa sa akin. some would slide back into their own lane at the last minute. meron din ilan na pumupunta sa road side ng lane ko.
i only do it when im alone in the car, though; and nagka-counterflow lang ako pag meron talaga counterflow lane provided by the police and traffic aides.
one thing i like to do is intimidate counterflowing motorcycle drivers. nakakainis eh; di dahil maliit yung dala nila eh basta basta nalang mag counter flow kahit saan. i don't give them any space; in fact, i even hug the opposite lane. im sure minumura ako ng mga naka motor when i pass by. di naman sila makareklamo kasi sila ang wala sa lugar.
Counter flow ba tawag sa ganun, dito kasi sa binondo normal flow lang yan e, pati pulis walang pakialam, nakakainis pero ano magagawa mo, sayang lang sa oras tsaka galit. Hintayin ko na lang yun mga garbage truck dumaan, sila na lang bumawi para sa akin.
ako hihintuan ko.. tapos one time may kotse sobrang tapang umovertake tapos high beam sakin e matulin ako lalo ko tinulinan tapos kunwari tatagisin ko siya sobrang takot e bilis bumalik sa line nya.. ang nakakaasar pa ung mga nakamotor! kaya ako minsan e nakagitna na halos para di sila makacounterflow at makaovertake.. mali sila e.. nakakatakot kasi un
kanina may motorcycle na nasa lane ko na nag-counterflow. palapit na ako sa kanya, hindi ako nag-brake, at napilitan siyang sumingit sa masikip na space sa lane nya at kamuntik na matumba, at sumigaw pa siya sa akin. i didnt care. siya naman ang may kasalanan eh.
naalala ko yung kwento ng boss ko sa bangko nung one time na may kasalubong syang jeep na nagcounterflow, ang tigas daw nung jeep ayaw umatras, wala nang daan,either aatras yung counterflow na jeep, or aatras yung boss ko, ginawa ng boss ko nilabas yung baril nya from glove compartment at dinisplay sa dashboard, ayun mabilis pa sa alaskwatro, umatras ang mokong, eh panahon pa yata ni Rolito Go nun. :lol: