^ wow...ganda ng tsikot.
saan yan?
eto naman recent na experience ko...
i went home one night from work to find a car parked in front of our house, slightly blocking our gate
di ko kilala yung kotse at wala man lang kahit anong sign kung sa kaninong kapitbahay siya
so i called the village guard to report the infringement
when the guard came and found out kung kanino yung kotse,
lintek! bisita nung kapitbahay na mga 4 houses away on the other side of the road!
eto ang siste, nung pinatanggal nung guard, eh mukhang nagagalit pa yung me ari nung bahay na binisita
narinig ko yung guard na sinabihan na hindi tama ang magpark sa harap ng ibang bahay nang
walang sabi-sabi sa may ari nung bahay dahil makakaabala sila kung kailangan nung may-ari yung space
tapos pa eh double parking na sa street kaya mali talaga sabi nung guard
mukhang lalong napahiya sa bisista niya kaya binulyawan pa lalo yung guard
so lumapit sa kin yung guard at sabi eh, "sir, magfile na lang kayo ng complaint bukas sa association"
tapos umalis yung guard na medyo halatang nairita dun sa kapitbahay ko
tinanggal naman yung kotse pero wala man lang dispensa na sinabi.
ang iba talaga, feeling sobrang taas kung mapagsabihan ng "mas mababa ang estado" kesa sa kanila.
ginawa lang naman nung guard yung trabaho niya at di naman siya bastos sa pagkakarinig ko.
tsk tsk
kaya tayong mga nakakaintindi, suggestion lang, kung magpapapark tayo sa harap ng ibang bahay,
subukan man lang nating magsabi dun sa me ari nung bahay
kung wala man sila, mag-iwan man lang tayo ng simpleng note kung saan tayo pwedeng makontak
para kung kailangan eh madaling magagawan ng paraan
isipin na lang natin na ang mga emergency eh pwedeng dumating kahit anong oras
wag tayong maging perwisyo sa kapwa!
Nag file ka rin ng complaint? Dapat lang you support the guard as well so he'll continue to do his duties.Yan yung problem dito sa subd. namin, yung mga pa-big time, pinagtritripan ang mga guard na ginagawa lang ang trabaho nila.
Pero tama, if you're going to inconvenience someone, at least try to notify them where they can be reached if the car needs to be moved. I had the same experience last Saturday night in the province wherein the visitor of our neighbor parked his lifted 4x4 Hilux with large m/t's right in front of our garage. Sa dami ng parking along the street, sa amin pa humarang. They saw me jockeying our car into the garage and never even bothered to move it anymore when they saw na "kaya naman". Geez.
di wise eh.
slightly nakaharang sa gate so i needed it to be removed para di ako mahirapan makapasok
pero since kilala ko yung kotse nung aroganteng kapitbahay ko, pag yun ang nakita kong
nakapark sa harap ng bahay ko (without blocking my access ha)
i'll consider your suggestion, brader! hahahahaha![]()
i did, bro. i called up the village admin the following day to report the incident.
sabi nila eh kakausapin daw yung kapitbahay ko.
so, wait and see lang kung me kahihiyan yung kapitbahay ko.
anyway, i could have asked them to move it kung alam ko lang na sa kanila pala yun.
sadya lang yata talagang mga walang isip ang mga tao ngayon eh.
^ oks na yun pre.
yung guard naman ang naka-engkwentro niya eh so alam na nung security ofc ng village yung ugali nila
besides, i wouldn't take a leave from work para lang sa mga bobong kapitbahay
the village admin said that the call was enough na naman daw for them to call the attention of the party involved
Katapat naming kapitbahay, ganyan din paminsan-minsan (big body corolla na pampraktis ng anak niya)... Iniiwanang hindi naka-lock ang kotse kaya itinutulak ko na lang para hindi nakaharang....
Sinasabihan ko pa rin,- dahil paano pag umuulan,- alangan namang iyong kasama namin sa bahay ang magbubukas ng kotse, tatanggalin sa pagkaka-handbrake at itutulak ang sasakyan nila?....
At tsaka, hindi lahat ng pagkakataon,- maganda ang mood mo kapag papauwi ka na... (Kaya baka matadyakan mo kotse nila... :hysterical
14.5K:higop:
Hehehe.
Back in '97 I used to park in the open parking space sa Agora Market sa San Juan to visit my GF (now wife).
Minsan pag balik ko sa kotse ko, merong owner type na nakabalandra sa harap. Sa una, umiikot ako sa paradahan para hanapin yung may ari. Tapos pupunta yung may ari para itulak yung owner type para makalabas ako.
As the months go by, parang pinagiinitan ako. Palagi na lang pag balik naka balandra sa harap ko yung owner type! EH ang dami namang ibang kotseng pwede niyang abalahin.
Umabot sa point na AKO na mismo ang nagtutulak ng owner type na yon para makalabas ako.
Tapos may isang beses, ang lakas ng ulan... pauwi na ako...and surprise! Nakabalandra na naman!
Mainit na ulo ko.
Tinulak ko ng malakas yung owner type. Tapos umalis na ako. Nung paalis na ako, nakita ko na hindi tumigil yung owner type at bumangketa sa island. Mukhang hindi naman nadamage..pero ang awkward tignan.
Simula nung time na yon, hindi na ako pumarada sa parking area na yon! Hahahaha.
The only time pumarada ako muli doon was the time na nakabili na ako ng bagong sasakyan. :D
Probably difficult to park a wild horse properly!!! (60's Ford Mustang)