^dati kasi simple lang ang mga photos sa thread. Basta lampas sa linya, okay nang ipost dito. We all agree na mali yun. Pero ngayon pati pala sagad sa linya. May nagsasabing mali, may nagsasabing tama. May mga pagtatalo. tignan mo 5th page na yata ito since na post yung picture ng vios. Kapag tinanggap na mali yung sagad sa linya parang slippery slope ito. kapag ba inconvenient sa katabi kahit nasa linya, pwede nang ipost sa thread? Actually mas tanong ko ito sa mga nagsasabing mali yung sagad sa linya. Kailan mo masasabing mali ang isang nagpark kahit na nasa loob sya ng linya? gaano kalayo sa linya? kailangan ba makalabas ang pasahero ng katabi mo ng maayos na maayos? e paano kung mataba siya? Kaya nga ang suggestion ko ay hindi tantyahan o eyeballing lang kungdi sukatan na. Mapupuno kasi itong thread ng photos kung "abala" sa katabi ang dahilan ng post. Ang dami kayang makitid na parking slot sa metro manila.![]()




Reply With Quote



