New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 164 of 303 FirstFirst ... 64114154160161162163164165166167168174214264 ... LastLast
Results 3,261 to 3,280 of 6054
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    2,782
    #3261
    Eto malupet

    +++++++++

    Rocky Gutierrez and girlfriend face malicious mischief charges after allegedly vandalizing car of tech journalists

    Nahaharap ngayon sa kasong malicious mischief ang character actor na si Rocky Gutierrez matapos siyang ireklamo ng dalawang tech journalists ng vandalism.

    Si Rocky ay anak ng talent manager na si Annabelle Rama at aktor na si Eddie Gutierrez; at kapatid ng mga artista ring sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.

    Ang dalawang nagrereklamo laban kay Rocky ay sina Alora Uy Guerrero, Yahoo! Philippines tech editor, at Ramon “Monch” Lopez, isang gadgets consultant and tech journalist.

    Ayon sa dalawa, binaboy diumano ni Rocky at ng girlfriend nito ang sasakyan ni Lopez na nakaparada sa parking area ng condominium building kung saan tenant ngayon ang character actor.

    Sa panayam ni Guerrero sa InterAksyon noong Martes, June 4, ikinuwento nito na naganap ang insidente noong June 2, Linggo—sa pagitan ng ika-walo ng gabi hanggang alas-tres ng madaling araw kinabukasan, June 3—sa One Beverly Place sa Annapolis, Greenhills.

    Napadako raw sina Guerrero at Lopez sa gusali upang bisitahin ang isang kaibigan na nakatira sa isa sa mga units sa building.

    Kuwento ni Guerrero, pinayagan umano sila ng mga guwardiya na i-park ni Lopez ang kanyang Honda maroon sedan sa basement ng gusali.

    Ngunit laking gulat daw ng dalawa nang pagbalik nila sa basement ay may mga sulat at gasgas na sa hood ang sasakyan ni Lopez.

    Gumamit din daw ng lipstick para sulatan ang mga bintana at windshield ng sasakyan ng explicit words.

    Ayon kay Guerrero, napaamin nila ang guard na nagbabantay sa parking area at ang building administration personnel ng One Beverly Place kung sino ang may kagagawan ng pagbaboy sa sasakyan.
    Rocky Gutierrez and girlfriend face malicious mischief charges after allegedly vandalizing car of tech journalists | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz

  2. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    777
    #3262
    Quote Originally Posted by beni23 View Post
    Bago ako umalis sa parking tinitignan ko magkabilaan ang sasakyan ko chinecheck ko kung may dimple. Kapag meron, sorry na lang sa katabi ko.
    kawawa naman bro kung tamaan mo yung katabi mo.. Paano kung hindi naman pala siya yung nakasagi at yung nag park before sa kanya ang nakadali?

  3. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    1,362
    #3263
    Ako sinusukat ko yung ding saka yung position ng door nya kapag inopen. From there malalaman mo kung yun talaga nakadali sayo.

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #3264
    Quote Originally Posted by sabawballs View Post
    kawawa naman bro kung tamaan mo yung katabi mo.. Paano kung hindi naman pala siya yung nakasagi at yung nag park before sa kanya ang nakadali?
    What is your plate number bro.?

    Katakot Ka naman palang katabi sa parada

  5. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    273
    #3265
    Quote Originally Posted by sabawballs View Post
    kawawa naman bro kung tamaan mo yung katabi mo.. Paano kung hindi naman pala siya yung nakasagi at yung nag park before sa kanya ang nakadali?
    Tama... tsk tsk. Sabi nga ng matatanda, masama ang nambibintang. Marami ang namamatay o nakakapatay dahil sa maling akala, kaya wag sana tira ng tira.

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,774
    #3266
    Quote Originally Posted by beni23 View Post
    Bago ako umalis sa parking tinitignan ko magkabilaan ang sasakyan ko chinecheck ko kung may dimple. Kapag meron, sorry na lang sa katabi ko.
    Ganyan ang tamang paguugali.ng immature na basag ulo.

    Ibintang sa iba ng walang ebidensya na yung katabi ang tumama sa oto.

  7. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    1,783
    #3267
    Hahaha!!! Ready to rumble just for a door ding. You really took time just to inspect your car for dings before leaving the carpark?

  8. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #3268
    Quote Originally Posted by beni23 View Post
    Bago ako umalis sa parking tinitignan ko magkabilaan ang sasakyan ko chinecheck ko kung may dimple. Kapag meron, sorry na lang sa katabi ko.
    So gagantihan mo kahit di mo sure kung yung kasalukuyang katabi mo ang nakatama sa kotse mo?

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    2,782
    #3269
    kahit walang kaalam-alam, basta makaganti. damay damay na

  10. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #3270
    Sabi nga syo, pano kung hindi naman sinasadya? Gagantihan pa rin? Just happened to me last saturday, small door ding sa rear right door. i've checked yung katabing AUV kung sya nakatama, sakto yung pinto sa door ding, although I felt really bad about it, naisip kong hindi sinasadya dahil masikip talaga yung parking namin. Di naman halata yung dimple so let it be.

  11. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    6,460
    #3271
    Quote Originally Posted by ZENMasterTYL View Post
    kahit walang kaalam-alam, basta makaganti. damay damay na
    That's just stupid. There's such a thing as due process.

  12. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3272
    Si beni23 tuloy na goon squad

  13. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #3273
    Quote Originally Posted by oj88 View Post
    That's just stupid. There's such a thing as due process.
    walang due process.. tira na lang ng tira nasa batas ko ang kamay ikaw nakita ko ikaw ang may sala

  14. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    273
    #3274
    Quote Originally Posted by jansky View Post
    walang due process.. tira na lang ng tira nasa batas ko ang kamay ikaw nakita ko ikaw ang may sala
    grabe naman kayo. ang nakakatakot nyan, tama ka naman magpark, hindi ka naman nang-aano, dadalihin ka dahil sa maling akala. tsk tsk

  15. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    473
    #3275
    Quote Originally Posted by stickers View Post
    What about those cars who give you door dimples?

    As much as I'd want to give them a payback using my keys, naiisip ko na lang na hindi naman sinasadya yung nangyari, masikip lang talaga ang pagkakaparking kaya ako nasasagi...
    ang pag ka ignorant ba is hindi sinasadya??? kasi meron ako kakilala na di naman daw nya kasi alam na nadadamage nya yng iba kotse sa pag bukas ng pinto kaya sige lang ng sige

  16. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    6,460
    #3276
    Quote Originally Posted by jansky View Post
    walang due process.. tira na lang ng tira nasa batas ko ang kamay ikaw nakita ko ikaw ang may sala
    Tanggap mo ba na gasgasin ang auto mo dahil ikaw yung nadatnan?

  17. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    2,938
    #3277
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Si beni23 tuloy na goon squad
    Easy langgggg. Majajudge mo naman kung siya ang nakadoor ding sayo o hindi eh. Eh kung dikit na dikit sayo at saktong sakto yung pagbukas ng pintuan niya sa door ding. Hehe

  18. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #3278
    Quote Originally Posted by beni23 View Post
    Easy langgggg. Majajudge mo naman kung siya ang nakadoor ding sayo o hindi eh. Eh kung dikit na dikit sayo at saktong sakto yung pagbukas ng pintuan niya sa door ding. Hehe
    Wala bang specifications ang batas natin kung ano dapat ang size ng mga parking slots? Yung ibang parking area kasi talagang parang sakto na lang yung sasakyan eh.

  19. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3279
    Quote Originally Posted by beni23 View Post
    Easy langgggg. Majajudge mo naman kung siya ang nakadoor ding sayo o hindi eh. Eh kung dikit na dikit sayo at saktong sakto yung pagbukas ng pintuan niya sa door ding. Hehe
    Quote Originally Posted by beni23 View Post
    Bago ako umalis sa parking tinitignan ko magkabilaan ang sasakyan ko chinecheck ko kung may dimple. Kapag meron, sorry na lang sa katabi ko.
    late na pinagpiyestahan ka na

  20. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    528
    #3280


    *Rob Magnolia
    Dami pang slots yan. Hahaha!!
    Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 2

Don't you just love those people who park stupidly?