Quote Originally Posted by drayver View Post
ako naman pikon na pikon sa mga jeepney drivers na hindi marunong gumamit ng side mirrors nila... bigla bigla na lang silang pumapasok akala mo laging walang sasakyan sa side o sa likod nila... putcha alam ko naman na ganun talaga ugali nila pero kung minsan sobra na sila!!!
Hindi lang jeepney drivers, pati bus drivers. Laging dinadaan sa laki.

Last night we were traversing Aurora Blvd. towards Marcos Highway, papunta na kami sa Marikina Bridge. Medyo sloping yung stretch na yun and medyo maluwag, so medyo maganda ang takbo ko. May napansin akong bus (PWB-682) na nakaparada sa kanan, bandang LRT. Maya-maya nung malapit na ako, biglang nagswerve sa kaliwa ang loko, occupying the entire road, wala man lang signal. Buti nakapreno agad ako ng swabe, pero si misis talagang ninerbyos. Good thing wala ring nakatutok sa amin sa likod. I was too busy braking to even blare my horn, as I would usually do under such circumstances.