
Originally Posted by
phat_azz
meron ba dito yung medyo titigil sa harap ng nag-c-counterflow? just to let them know na mali sila? kasi kanina sa may alabang-zapote road, casimiro intersection, zapote ang direction ko (papunta kasi akong mall of asia), medyo nagsisimula nang mag-3 lanes yung alabang direction. so andun ako sa inner lane ng ala-zap rd kahit clear yung outer lane ng zapote direction... may pasalubong na white adventure... medyo nag-slowdown ako pero di pa rin ako lumilipat sa outer lane... ayun sumingit naman sya pabalik sa correct lane nila. tapos buti na lang a few meters away nag-withdraw ako sa BPI... nung papasok na ako ng kotse, aba! may chewing gum sa driver side door! lecheng adventure yan! dinuraan pa ng chewing gum yung kotse ko samantalang ako naman yung nasa right lane! tinanggal ko na lang mostly nung gum with a tissue, pero may konting natira pa... pag-uwi ko natanggal completely with our trusty scratch remover.
ano masasabi nyo? sa susunod ba pumunta na lang ako sa outer lane at pagbigyan yung nag-counterflow at hindi maduraan o still keep my correct lane and risk any "projectile" na itapon sa akin ng nag-counterflow?