traffic enforcers kasi sa atin hindi rin alam ang batas trapiko, walang standards na kailangang ipasa. kaya mali-mali ang huli at mga hinuhuli lang nila ay yung may chance silang mangkotong. Mas maraming lantarang traffic violation na kitang kita ng mga ugok na ito pero wala naman silang ginagawa kaya grabe traffic sa atin.
Example:
1) Bumabaybay sa gitna ng lane separators, laging may ganito sa EDSA.
2) Parang ahas sa daan, palipat lipat ng lane, is reckless driving. Sa US bubuntutan ka na ng unmarked highway patrol kapag ganyan ka mag-drive at kapag tuloy pa rin yung driver in a few minutes $250 na ticket na.
3) Nagpapalit ng lane sa heavy traffic ng sapilitan, yung di pa nagbibigay sa kabilang lane isusuksok biglaan yung sasakyan niya. Reckless driving rin ito.
4) Not giving way to pedestrians on pedestrian lanes.
5) Driving through a red light, yung mga PUB (especially tricycle) ang major violator nito. Sa Kalayaan road araw-araw tumatawid itong mga tricycle during a red light.
6) Driving with no lights at night. Main culprit tricycles and jeepney, pero meron din mga private vehicles na gumagawa nito.
7) Driving with a busted tail lamp. Di mo malaman kung nagprepreno.
8) Slow vehicles driving on the fast lane.
to name a few. Ito di nila hihuhuli, pero yung mga non-violation swerving pinagiinteresan nilang huliin kasi di sila maalam sa traffic law.
dapat monthly pinagtetest ang mga traffic enforcer sa LTO at yung nakaka 100% sa exam lang yung binibigyan ng karapatang magticket. At yung mga di nanghuhuli ng violators dapat kinakasuha ng DILG ng dereliction of duty.