pwede kaya ako na lang mag process directly sa LTO?
Sent from my Nexus 7 using Tapatalk 4
pwede kaya ako na lang mag process directly sa LTO?
Sent from my Nexus 7 using Tapatalk 4
Di pa naman ako nasita. I pass the same route everyday at rush hour so walang time mga traffic enforcer to inspect sa dami ng dumadaan na walang plate. My officemate though was flagged down on a Sunday dahil walang plate. So tyempo lang talaga. Kapag di busy mga traffic enforcer, may time sila manita
civic, Manila.
Madami ako nakiktang bagong F plates ngayon. Siya ba ang bagong series?
peeps, share ko lang... para din sa mga di pa nakapanood/rinig ng balitang 'to...
Ang galing talaga ng LTO natin.... di pa pala handa yung system para dito. Kaya wala din silbi pa mga security features ng new plates. Sana hinanda talaga muna yung new system para mas effective pagdating ng new plates...
"AKSYON | Tadtad man ng "security features" ang mga bagong plakang inilabas ng Land Transportation Office (LTO), wala pa rin itong rekord sa "computer system" ng ahensiya ayon sa pagbubuking ng isang empleyado. Inamin naman ito ng tagapagsalita ng LTO na si Jason Salvador sa pagsasaliksik ng News5 at sinabing kasalukuyan pang isinasaayos ang sistema. Ulat ni Erwin Tulfo. (Video edited by Melquezedek Ariola; Video uploaded by Joey Hernandez;Edited by Seph Ubalde. For any concerns, you may E-Mail us at newsfiveeverywhere*gmail.com)
News5 Everywhere - EXCLUSIVE | BAGONG PLAKA NG LTO, DI PA TUGMA SA COMPUTER SYSTEM NG AHENSYA"
may kumita na naman siguro dito...
syempre kalokohan nanaman yan ng stradcom (ang outsourced IT ng LTO)
napaka unsecure ng windows xp na ngayon tapos na ang support nito, yet ginagamit pa din ng LTO/stradcom... pero nag babayad parin tayo ng "computer fee" mi ultimo violation sa LTO mag babayad ka din ng "computer fee" para ma ipasok nila ang violation mo sa system!![]()
Any thoughts or news on any apprehension bec. of still no plate available ?
Our van purchased 2nd wk of May and already 6,xxx kms. The "dated" sales invoice trick does not work anymore since how can a supposed new car purchased "last week" can rack up 6,xxx kms.
Is it legal for any supposed authority to apprehend in this case ? The conduction number is already very visible in front and back area.
PS: The SA texts me that no plate or OR/CR as of 9/15/14.
I thought the LTO has imported cargo container full of plates already?
Matinde talaga LTO pati DL issuance natigil. Naubusan mg supply ng PVC card.
Nag iisue ng papel ba DL, naubusan naman ng ink ang printer!
Hayop animaal!!!!
Sent from my iPhone using Tapatalk
sabi ng mga taga LTO punom-puno yung bodega nila ng mga plate na hindi pa kinukuha infact wala na nga daw paglagyan ng mga bagong issue
Umapela ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista at mga dealer na kunin na ang mga bagong plaka.
"Nagkakaproblema po kami sa pag-iisyu, hindi po sa dahil kulang ang aming plaka kundi hindi kinukuha ng ating kababayan at ng mga car dealers ang kanilang mga plaka," pahayag ni LTO spokesperson Jason Salvador sa panayam ng DZMM.
Nitong mga nakaraang linggo pa aniya nag-aanunsyo ang LTO na ipagbigay-alam ng publiko sa kanilang mga dealer na kunin na ang mga plaka.
Mula aniya nang mamigay sila nang ipatupad ang bagong disenyo kasunod ng bagong plate standardization program, sa halos 15,000 plaka para sa motor vehicles sa NCR, nasa 10,000 pa lamang ang na-claim.
Para sa mga motorsiklo naman, sinabi ni Salvador na nasa 19,000 pa lamang ang nakukuha sa 50,000 available plates para sa mga bagong motorsiklo mula noong Setyembre.
Sakop ng mga plaka ang mga nagrehistro ng mga bagong sasakyan simula Pebrero 17, 2014 at mga nagparehistro ng bagong motorsiklo mula noong Setyembre 1, 2013 hanggang sa kasalukuyan.
Posibleng hindi pa rin alam ng karamihan na may mga plaka, kahit pa madalas ang kanilang anunsyo, banggit ni Salvador.
Ngunit isa pang dahilan ang tila hindi pa pag-aasikaso ng mga car at motor dealers.
Kasama anya sa serbisyo ng mga ito sa kanilang kliyente na maibigay ang plaka ng mga sasakyan.
tip dun sa mga new plate owners..
since bawal na ang plate cover, bili kayo ng CLEAR COAT ACRYLIC PAINT then spray nyo sa new plates (1 can is good for 2-3 coatings) para kahit paano ay may protection sa scratches & fading..
HTH