Primary reason kung bakit maluwag sila sa mga PUVs at mahigpit sa mga private cars..
kasi yung mga hinayupak na mga traffic officials at mga PUV drivers may mga treaty na yan.
Nagbibigay ang mga PUV drivers sa mga enforcers nang tinatawag na butaw.
So imbes na magkahigpitan pa at laging nagkakahulihan at nagkaka-kotongan, nagkaroon na lang sila ng magandang pagkakasunduan.
Ang butaw costs around P10 to P30 per driver per day, depende yan sa sasakyan at sa mga enforcer. So do the math, at abot ng libo-libo yan isang araw.
Meron din silang "kubrador", sila ung mga umiikot sa mga pilahan at naniningil ng butaw. Para di obvious na mayroong nagaganap na ganito.
I know this because yung mga pinsan ko namamasada ng tricycle dito sa may samin.. sa may congressional ave (which is a 4-lane road both sides) ay wala silang problema sa huli. Ang butaw nila sa isang araw nasa P10.. so I guess sa mga jeep, FX at bus nasa P20 to P30 na yan.
So ang solusyon.. di ko alam.
