New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 420

Threaded View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #10
    Driver miraclously survives with minor injuries and is concious...

    Kotse, nadaganan ng bus sa EDSA | DZMM - ABS-CBN




    (UPDATED 12:30PM) Wasak ang isang bagong kotse matapos madaganan ng pampasaherong bus sa EDSA-Muņoz northbound sa Quezon City.

    Ayon sa nakasaksing si Wilfredo Ramos, pa-kanan sa kanto ang gray Toyota Vios nang biglang pumreno ang Cher bus sa harapan. Bumangga ang kotse sa naturang bus.

    Pero dahil na rin sa mabilis umanong takbo ng Dela Rosa Transit ay bumangga at sumampa naman ito sa likuran ng Toyota Vios.

    Halos isang oras na naipit ang driver ng kotse bago nahugot.

    Sa kabila ng matinding pagkayupi ng kotse, kaunting sugat lamang ang nakitang tinamo ng driver at may malay ito nang ilabas at isakay sa ambulansya. Dumating ang ilang kaanak nito kaya nakilala ang biktima na si Marcelino Umali Jr.

    Kinilala naman ang bus driver na si Edgardo Lilis. Giit nito, nawalan siya ng kontrol dahil nawalan ng preno ang sasakyan kaya naaksidente.

    Nilinaw naman nitong hindi siya tumakas kundi nagpasyang dumiretso na lang sa Traffic Sector 6. Natakot din anya siyang kuyugin ng mga tao sa lugar. Hawak na rin ng mga awtoridad ang kundoktor.

    Nagdulot ng matinding pagsisikip sa trapik ang insidente.

    Samantala, sa panayam ng DZMM, sinabi ni LTFRB Chairperson Winston Ginez na mag-iinspeksyon ang kanilang grupo sa pinangyarihan ng insidente.

    "Talagang nakakagimbal at nakakapanindig-balahibo ang nangyari," ani Ginez. "We will definitely exercise our regulatory power over this bus dahil nga po isa na namang recklessness ang maaaring nangyari rito." Report from Johnson Manabat, Radyo Patrol 46
    Last edited by Monseratto; February 5th, 2015 at 03:22 PM.

BUS accident again