New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 61 to 80 of 120

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #1
    Sir sama naman experience nyo napamahal pang masyado. Sa akin casa pa rin kung mga major problem. Sa labas naman yung minor, change oil, palit fan belt, wheel alignment, wheel balancing.

    Sinibukan ko na rin sa labas nun kasi nanginginig pag umabot na ng 60kph. andaming gustong palitan, ball joint, rubber bushing, tire rod end, wheel alignment umabot ng 5,800 petot yun pala kelangan ko ng magpalit ng gulong. Nung napalitan na nawala na rin yung nginig. Buti nagtanong muna ako sa mga taga-isuzu.

  2. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    247
    #2
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Sir sama naman experience nyo napamahal pang masyado. Sa akin casa pa rin kung mga major problem. Sa labas naman yung minor, change oil, palit fan belt, wheel alignment, wheel balancing.

    Sinibukan ko na rin sa labas nun kasi nanginginig pag umabot na ng 60kph. andaming gustong palitan, ball joint, rubber bushing, tire rod end, wheel alignment umabot ng 5,800 petot yun pala kelangan ko ng magpalit ng gulong. Nung napalitan na nawala na rin yung nginig. Buti nagtanong muna ako sa mga taga-isuzu.

    Me too. Kapag major problem sa casa ako napunta. Kung hindi naman, sa labas, pero normally I go to Rapide sa Fort at Cruven sa Makati, kasi malapit lang sa amin at nakikita ko pa ang paggawa at yung parts na ginagamit nila at galing mismo sa Honda. May konting patong sila sa spare parts, pero in terms of hundred peso only, and not in thousands. Also, I do not leave my car overnight. Strictly sa casa lang. Kasi nabiktima na ako ng "palit piyesa" noon.

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #3
    Marami talagang manloloko na repair shops, they take advantage kasi d mo alam yung mga presyo, makakarma rin sila..........

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    651
    #4
    madadayang talyer? Rapide.

    nagpagawa ako ng brake dati dun, sira daw yung breake master assembly. then the following day yung hydrovac (break booster) naman ang bumigay. ayaw aminin na nasira nila. break master connects to the hydrovac, malamang nabutas nila.

    hindi ko na sa kanila pinagwa, of course.

    then i found out na may quota pala bawat shop, kaya marami silang ipo point na sira o kailangang gawin or worst talagang sisirain iba mong parts.

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    105
    #5
    Quote Originally Posted by CamaroZ28 View Post
    Me too. Kapag major problem sa casa ako napunta. Kung hindi naman, sa labas, pero normally I go to Rapide sa Fort at Cruven sa Makati, kasi malapit lang sa amin at nakikita ko pa ang paggawa at yung parts na ginagamit nila at galing mismo sa Honda. May konting patong sila sa spare parts, pero in terms of hundred peso only, and not in thousands. Also, I do not leave my car overnight. Strictly sa casa lang. Kasi nabiktima na ako ng "palit piyesa" noon.
    Bro, iwas ka rin diyan sa Rapide sa Fort. Nagpa change oil ako dati sa kanila dahil me promo. Nung nakasalang na yung oto, tsaka ko pa lang nalaman na hindi pala kasama sa price yung air filter and spark plugs. To think na 10k PMS ang gagawin nila, ire-recycle lang pala yung air filer and spark plugs. Paglabas ng bill, mas mahal pa yung promo nila sa casa. :mad:

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    51
    #6
    puro dagdag when its time to pay. iwasan yang [SIZE="4"]west racing!!.[/SIZE] (infront of miller sa west ave) nothing but a bunch of crooks.
    while i was waiting, i overheard the owners/tinedo talking between themselves on how they were going to cheat another customer. forgot the exact words but you get the piont.
    By the way, one of the owners drives a white 4x4 hilux.
    Reply With Quote

  7. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    13
    #7
    Rapide park square, cost me around 30K++ to fix my cylinder head kasi nag-crack na due to frequent over heating, bago pa lang ako nagka-car nun kaya wala ako kaalam alam sa car. unfortunately, after spending that much money, di pa rin nila naayos yung cylinder head ko. Buti na lang my friend told me na hahanap sya ng surplus na cylinder head then machine shop then salpak plus buy lang ng bagong gasket, cost is only 8K. naayos car ko.

    Rapide park square again (di na ako nadala). Just had replaced my 2 front tires from another shop sa cavite and a certain bushing sa ilalim. After a week, due na for change oil yung car so I decided to have it done sa rapide kasi malapit sa work ko. Since me free inspections sila e pinagawa ko yung inspections. Nung kukunin ko na car ko e nakalagay sa list ng mga papalitan yung bushing na kapapalit lang. So i decided to bring it back dun sa cavite shop kung saan sya pinalitan since me warranty pa naman. According to them, sinadyang sirain yung bushing para palitan. Buti na lang mabait ung manager and they had it replaced again free of charge.

    Nadala na ako sa Rapide.

    Rapide Cavite. Nasira a/c ng car ng father-in law ko so they decided to bring it sa Rapide, sabi ng Rapide e papalitan daw yung aux fan kasi sira na. nilagyan ng freon then lumamig. after a week, nawala na naman ang lamig. dinala uli sa Rapide and sabi sira daw ang dryer so pinalitan then lumamig uli. after a week, nawala na naman ang lamig. dinala uli sa Rapide ang sabi papalitan daw ng vaporator. Then saka ko lang nalaman yung kwento, buti na lang nasabi sa akin. Imagine pag nilagyan ng freon lumalamig, after a week mawawala ang lamig. common sense, me leak somewhere sa a/c system but not necessarily mean sira components. dinala ko sa aking trusted a/c specialist and found out me leak sa o-ring na kabitan ng vaporator and tube. cost them only 700 kasi kasama yung a/c cleaning (free of charge na yung o-ring).

    Sus!

  8. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    247
    #8
    Sabi ko nga sa family ko eh wag na pumunta sa Rapide sa Fort. Kung magpapagawa rin lang sila, mas maige pa i-casa na lang kaysa sa Rapide. Ayoko talaga sa Rapide kasi super taga sa presyo kaso ayaw mag drive ng family ko sa medyo malayo eh. Tsk....Kung nasa Pinas lang ako eh.....

    Last week pala nagpagawa sila sa Rapide...ngayon ko lang nalaman....may leak yung isang radiator hose, nang dinala nila sa Rapide Fort, pinalitan yung upper, lower at yung by-pass hose, plus thermostat. Ang charge, P7,000.00! Parang ang mahal ah......

    Naiinis ako, parang nag te take advantage sila sa family ko dahil wala ako......


  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    26
    #9
    RAMM sa may congressional ave malapit sa KFC mindanao ave. nung may pinagawa ako sa kanila at kinailangan iwanan yung kotse, nung time na kukunin ko na yung kotse napansin ko na parang hard starting yung kotse. nung binuksan ko yung hood nakita ko na napalitan yung battery ko. i called the attention of the owner & told him na hindi iyun yung battery ko. tinawag nya yung mekaniko nya at tinanong. ang sagot ba naman eh sorry, nakalimutan lang daw ibalik kasi ginamit daw pang series dun sa isang kotse na ayaw din mag-start. naknang kamote! eh kung nag start kaagad yun nung kinukuha ko na at di ko napansin na napalitan pala yung battery ko eh di goodbye & good riddance na lang! :down: bwisit talaga! kaya di na ko nagpapagawa ulit dyan sa RAMM na yan.

  10. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1
    #10
    Dinala ko po kotse ko sa rapide quezon ave, ang inayos nila ay aircon, engine support, break pads. Pagkakuha ko pa lang nung kotse umuugong na makina dahil sa aircon at mahina sa acceleration, after two days binalik ko ulit. Naayos ang acceleration pero yung sa aircon obserbahan ko daw muna ulit.

    This was last October 22, 2009. Two days ago umalis kami ng family ko may narinig ako na tumutunog sa gulong, I dismiss it as a flat tire lang, pina lagyan ko ng hangin pero nandun pa rin yung sound. Medyo alerto na ako kaya ang takbo ko ay 40 lang. Pagdating sa bahay, pinatingnan ko sa pinsan ng wife kong mechanic, ti nest drive niya yung car at napansin niya din yung sound, dinala niya sa talyer nila doon namin nalaman, MALUWAG TURNILYO NG FRONT LEFT WHEEL, isa lang ang mahigpit. MGA P.I. yang Rapide Quezon Ave.

    On my part I should have double check the wheels, pero naman naman, dinala mo na nga sa kanila dahil tiwala ka na maayos trabaho nila, mga PI na yun papatayin pa pala kami!!!

    PALPAK RAPIDE.

  11. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #11
    Kasalanan mo din yan. Tagal ng sira pangalan ng Rapide dyan ka pa din pumunta. Hindi lang sila may kasalanan. Kasi in the first place, kung hindi ka pumasok dun sa shop di mangyayari yan.

  12. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,452
    #12
    Quote Originally Posted by Lucius View Post
    Kasalanan mo din yan. Tagal ng sira pangalan ng Rapide dyan ka pa din pumunta. Hindi lang sila may kasalanan. Kasi in the first place, kung hindi ka pumasok dun sa shop di mangyayari yan.
    haha

    kaya bilin ko ke bossing wifey ko, kahit masiraan sya sa harap mismo ng kahit saang branch ng rapide, 'wag na 'wag nyang ipapagawa dun

  13. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #13
    Quote Originally Posted by vito corleone View Post
    haha

    kaya bilin ko ke bossing wifey ko, kahit masiraan sya sa harap mismo ng kahit saang branch ng rapide, 'wag na 'wag nyang ipapagawa dun
    amen to that!

  14. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    120
    #14
    Quote Originally Posted by vito corleone View Post
    haha

    kaya bilin ko ke bossing wifey ko, kahit masiraan sya sa harap mismo ng kahit saang branch ng rapide, 'wag na 'wag nyang ipapagawa dun
    lol

    ganyan ba talaga ka bad sa rapide?

    why dami ap ren nila branches na open?hinde sila na babankrupt?

  15. Join Date
    May 2005
    Posts
    226
    #15
    Quote Originally Posted by sIlveralIen View Post
    lol

    ganyan ba talaga ka bad sa rapide?

    why dami ap ren nila branches na open?hinde sila na babankrupt?

    hehehe, me AD pa nga sila sa taas o, brake pads daw... di ba parang ironic, sirang sira ang rapide dito sa tsikot pero me AD sila sa taas...

  16. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,299
    #16
    Quote Originally Posted by sIlveralIen View Post
    lol

    ganyan ba talaga ka bad sa rapide?

    why dami ap ren nila branches na open?hinde sila na babankrupt?
    madami pa kasing car owners na hindi pa registered member ng tsikot.com kaya madami pang naloloko ng rapide,. matindi pa mga ads nila kaya yung ibang mga newbie akala nila maganda sa rapide.

  17. Join Date
    May 2012
    Posts
    186
    #17
    I was attracted dun sa promo nung rapide nuon yung lifetime brake siguro mga 3 years ago ng altis ko. Pag a angat ba biglang dumami sira ng auto ko reface ung disc rotor sira stabilizer link palitan ng pati shocks. Sa dami ng gagawin at wala ako dala cash sabi ko saka na lang sir. Tapos sabay dala sa toyota un brake pads lang pinalitan hanggang ngayon un parin shocks ko and stabilizer links. Sa labas din pala ako nagpakabit ng brake pads sa servitek 300 lang ata labor kasi dal ko ung pads

  18. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    689
    #18
    A few months ago, I purchased an OEM Air Filter (PHP650) at Nis-Parts then and plan ko, DIY na lang sa installation. Since tiwala ako sa shop, di ko na na check yung filter. Tried to install it pero ayaw mag lock nung air box. Then I inspected the filter itself, may mga lagpas na rubber sa filter element. Then yung box niya, instead na may sticker with serial number, naka print lang siya sa box. Parang fake yata.

    I came back after a few days, sabi ko palitan nila ng orig kasi presyong orig and benta nila. Kumuha ulit sila sa supplier nila, pero mukhang peke pa rin at hindi fit. Wala din yung original seal ng nissan sa filter nila. Buti na lang at na refund. Sa Yen ako kumuha, 500 lang, mas mura at orig pa. Perfect fit sa oto ko.

  19. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    507
    #19
    Quote Originally Posted by EA622 View Post
    Hi,

    Share ko lang bad experience ko sa Motorix kanina...

    Sira ung caliper assembly ng Pajero ko, tumatagas brake fluid sa left side.. estimate na pinakita nila nung una is P500 per caliper assy. so P1000 na agad for both sides, P1300 for bendix brake pad, and 1200 for labor (600 daw per side) +etc.. thinking na ok lang to since nagpagawa ko kanila dati (500 labor for some electrical stuff) .. tinawaran ko nlng ung labor and sabi sige 1100 nlng. sa kagustuhan kong matapos since mejo late na.. pina start ko na tho mejo doubtful ako sa price..

    habang nililinis ung piston, natripan kong lumabas muna ng shop.. saw a shop selling mitsubishi parts. so, nagtanong lang ako to compare, kung nakamura ba ko or what.. guess what, P300 lang per caliper assy, and 800 lang yung bendix brakepads... takbo ko pabalik motorix kasi baka mabuksan na ung caliper at breakpads na overpriced by them.. ayun, kinausap ko ung nag estimate. telling na ang mahal and so on... then bumalik na siya with the new estimate.... P350 for the 2 pcs of calliper assy and P1100 for the brakepads.. tapos sabi ko kung pwede ba bumili nlng ako sa labas since mas mahal pa din.. Di daw sila pwede sa ganon. So ayun, pinatapos ko na lng..

    Dont get me wrong, ok dito sa motorix bumili ng parts, dito ko bumili ng orig na temp sensor for my turbo since dito pinaka mura that time.. Bad trip lang kanina, trying to pull a fast one on me.. P1000 for the labor,? d pa nga ganun kahirap ung trabaho.. 500 sobra pa nga palagay ko..

    yup, so beware lang sa motorix service dun sa likod nila.. way overpriced for both parts and labor. HTH
    Notorious na talaga motorix sa overpriced labor, bawat kilos may presyo at itemized masyado matuos yung owners. Minsan nakukuha sa pakiusap lalu banggitin mo ipopost mo sana sa tsikot yung trabaho dahil marami magpapagawa ng same job, ganto ginawa ko nung presyuhan ba naman ako labor 250 kabit per muffler support yung goma lang na sinasabit sa bracket, e 5-6 supports ata yun, sabi ko e di bale 1k plus total labor isasabit lang yung mga goma, pano yan dami nagaabang sa tsikot forum papapalit din e di yan presyo sabihin ko? Ayun biglang sabi o sige 350 na lang labor lahat na. Kada may magpagawa banggitin nyo in a nice way dami na nakakapansin sa tsikot yung taas ng labor nila at itemized to the max pa, baka baguhin nila sistema.

  20. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    96
    #20
    Quote Originally Posted by halimaw View Post
    Notorious na talaga motorix sa overpriced labor, bawat kilos may presyo at itemized masyado matuos yung owners. Minsan nakukuha sa pakiusap lalu banggitin mo ipopost mo sana sa tsikot yung trabaho dahil marami magpapagawa ng same job, ganto ginawa ko nung presyuhan ba naman ako labor 250 kabit per muffler support yung goma lang na sinasabit sa bracket, e 5-6 supports ata yun, sabi ko e di bale 1k plus total labor isasabit lang yung mga goma, pano yan dami nagaabang sa tsikot forum papapalit din e di yan presyo sabihin ko? Ayun biglang sabi o sige 350 na lang labor lahat na. Kada may magpagawa banggitin nyo in a nice way dami na nakakapansin sa tsikot yung taas ng labor nila at itemized to the max pa, baka baguhin nila sistema.
    oo nga sir e, grabe.. I'm not surprised kung bakit walang nagpapagawa sa kanila on a saturday afternoon when almost all shops are busy. My first choice was Wheelers talaga sa n.roxas. dami nga lang nagpapagawa. well, it figures.

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Blacklist na mga Talyer/Palpak at madadayang talyer [merged]