mukhang marami na yung gumagawa ng damage control ah. ewan ko lang ah, sa mga sinasabi ni apex, mukhang PURO PALUSOT lang talaga yung mga sinasabi ni andy cheng at ng kanyang mga alipores. suggestions ko:
1. hingin kay andy cheng yung pangalan ng security guard na sinasabing may hawak ng susi na "nawala". ipa-bloter mo rin yung secu na yun (kung totoo man na ndi na sha pumapasok sa scotchbrite). kung may agency yung secu, pwedeng i-reklamo sa agency.
2. magpapalit ng locks, alarm, security system, sa casa mo ipapalit.
3. dapat change unit. hingin ang total amount ng brand new kia sportage at sa ibang casa kumuha ng replacement. yung unit mo, bilhin ni andy cheng in cash kung magkano man ang brand new tapos kaw na bahala bumili ng bagong kia sportage mo. dahil lantaran yung KABABUYAN at kapabayaan (
("kabayaan" lang daw sabi ni jeff) na ginawa nila sa sasakyan ni apex, dapat talaga palitan ung unit. totoo lang, kung "kapabayaan" lang yun, baket puro palusot pa? nasa china, na-stroke yung tauhan, nawala ang susi, ndi na pumapasok yung guard, etc. tinarantado na yung kotse, tinatarantado pa yung cliyente.
4. kung ndi pwede change unit, ipa-repaint sa casa sagot lahat ng gastos ni andy cheng. hindi lang yung mga na-damage na part (bumper lang daw sabi ni jeff pero kitang kita sa pics na hanggang bubong nasukatan nyo na ng pang-spoiler), buong kotse ipa-repaint mo na, scrape to metal & repaint, pati ilalim. kung gagawin ito, sa ibang casa ng KIA kung meron mang ibang branch na ndi pagmamay-ari nung casa na nagrecommend sa scotchbrite. ipa-interior detailing rin sa casa (ibang branch kung meron).
5. magdala lagi ng abugado tuwing kausap si andy cheng at ang kanyang mga alipores. akala nya siguro dahil bata ka pa (bata ka pa nga ba?) e madali kang utuin at paikot-ikutin ng mga palusot.