New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 47 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 463
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #1
    Read this at gruporav4.com, just follow the link:

    http://www.gruporav4.com/viewtopic.php?t=2005

    HERES THE COPIED POST:

    mga sir newbie lang po ko dito, kwento ko lang traumatic experince ko.

    binilan ko ng kia sportage as a graduation gift. and i decided na mag pa set

    up ng sounds ko ,ung sounds ko si jackhammer gumawa and sulit naman

    ang binayad ko kasi ganda tumunog, anyway hindi naman kasali si sir jack

    dito. tsaka magpagawa ng grill, so sabi sa casa kilala niya ung owner ng

    Star Bright, so sabi ko sige dun na lang ko papagawa kasi kilala naman

    talaga sila when it comes to bodykits,nagpaestimate ko they said around

    7,500 for the fabricated grill and mesh on the bumper.so pinadala ko na

    ung car sa shop..first na dala ng kotse sa shop kinuha lang ung grill and

    susukatan daw kasi sabi balik ko 3 days para matry ung ginawa nila, so

    bumalik ko nung kinabit hindi sakto,sabi nung owner ng shop kailangan

    iwan ung sasakyan sa kanila for 3 days para sumakto ung fit,sabi ko sige

    ibalik ko next week kasi kailangan ko ung sasakyan.so next week pinadala

    ko ung sasakyan sa shop nila before oct. 26 yata so sabi nila after nov 1

    ko na daw makukuha kasi ilang araw ung walang pasok kasi holiday. so ok

    lang sakin kasi alam ko naman secure ung sasakyan sa kanila.so

    tinawagan ko ung casa kasi sa kanila ko na lang pinapafollow up kasi busy

    ren ko sa dental review ko this dec.sabi ng casa "hindi pa daw po tapos sir"

    thats nov 2. baka daw next week na,so naiinis na ren ko kasi grill lang

    ganun katagal nila gawin.tapos tumawag ung casa kung gusto ko daw isali

    sa show this dec ung kotse ko papahiramin daw nila ko ng kits and mags

    but i have to pay for the entry,sabi ko ayoko..tinawagan ko ulet ung casa

    nung nov. 5 para ipatanong kung tapos na sabi nila " hindi pa ren sir tapos"

    so nagalit na ko bakit naman ganun katagal para sa grill lang. "hindi ko

    nga po alam sir pinagalitan ko na nga po ung kausap ko sa shop-sabi nung

    service sa casa..hintay ulet ako gang fri,so nagalit na parents ko sila na

    tumawag sa casa bukas daw ng 5 pm makukuha ko na.so sat pinuntahan

    ko na sasakyan ko sa shop hindi pa ren nakakabit ung gril pero ung mesh

    sa bumper nakalagay na.nung pagbaba ko ng sasakyan sabi nung

    nagtatrabaho dun "sir dala mo ba ung extra key mo?? sabi ko hindi bakit?

    nawawala po kasi ung susi,so lalo ko nainis.hinahanap nila,biglang sabi

    nung isa " ayyy kinuha nga pala nung guard kasi baka daw mawala ung

    susi,pinuntahan nila sa gaurd house,so ako naman binista ko ung

    sasakyan,nagtaka ko kasi sobrang dumi ng sasakyan pati sa loob,in short

    para kang nagtravel ng laguna to ilocos ng naka open windows sa kapal ng

    dumi sa loob,ung labas naman ang lagkit ng pintura at sobrang dumi den.

    nung pagbalik nung nagsabi na nasa guard daw ung susi "naku sir wala po

    ung guard naka uwi na daw ung cell naman

    hindi namen macontact", nadun na ren ung owner ng shop, sabi

    sakin,pasensya ka na sa abala,pro nagpaorder na ko sa casa ng spare key

    or ibibigay na lang namen on mon siguro kasi nga wala ung

    guard,naguluhan ko nagorder ng spare key pero ibibigay na lang pgbalik

    ng guard. so ano ba talaga? kausap ko ung owner sabi baka pwede bukas

    na lang namen ideliver ung sasakyan bigay mo na lang ung address,sabi

    ko hindi pwede kasi gagamitin tom morning yan,gusto nila kunin ung spare

    key na lang sa bahay sabi ko magagalit parents ko pagnalaman na

    nawawala nila ung susi ko,sa kagustuhan ko ng makuha ung sasakyan

    pinakuha na ren ung susi sa bahay,tandang sora ko pasig sila ko napaka

    layo diba? so before ko umuwi kinabit nila ung grill "sa dilim" inilawan ko

    pa ng cell ko para makita nila,mukhang ok naman..ung kotse ko nga pala

    nakapark ung driver side, sobrang lapit sa pader.binayaran ko na binigyan

    ko ng resibo tapos umuwi na ko,tumawag sakin ung owner pare ung

    kukuha ng susi mo naka civic ung nagkabit ng grill mo kanina tapos

    ideliver na lang dyan sa bahay nyo.sabi ko ok paki linis na den ung loob

    kasi sobrang dumi..paguwi ko sa bahay mga 20 mins dumating na ung

    kukuha.tapos dumating ung sasakyan around 1030 na hinatid ko pa sa

    labasan ung tauhan niya,pagpark ko sa bahay ung grill may lobo ung

    pintura,may gasgas,may basag den tapos may tulo ng silicon na tinanggal

    ko pa ung iba tsaka ang daming gasgas sa front bumper,tinatawagan ko

    ung owner for 3 times ayaw sagutin,tinext ko siya bakit dami gasgas and

    problema nung grill pasensya na raw gawin na lang ulet..so nung umaga

    pumasok ko sa review ko nilinis na ung sasakyan pero NAPAKA dumi pa

    ren..after ng review ko sa inis ko iwawax ko na sasakyan ko na wala pang

    2 months! ung winawax ko may mga tanggal na pintura sa ilalim ng driver

    side,may be that's why pinark nila nung kukunin ko ung sasakyan

    napakalapit sa wall.then tinignan ko ung mga scew sa mga fender sobrang

    dumi tapos puro gasgas lahat ng sides ng kotse daming mga residue ng

    fiberglass sa bumper sa gilid.to confirm kung fiberglass nga un nagpunta

    ko sa talyer malapit samin na nagfifiberglass den.tinanong ko ung tauhan

    sa talyer kung gumawa ng pattern dito sa sasakyan ko, sabi nya "OO boss

    ayan oh sunog ung pintura and natanggal ung ibang pintura sinukatan

    yan,alam ko yan ako gumagawa dito ng fiberglass dito

    e.tinawagan ko na ngayon ung " OWNER NG SHOP" pare gumawa ba kayo

    ng pattern dito sa sasakyan ko?? "hindi bkit?" kasi daming naiwang

    residue.tatanung niya daw sa tauhan niya.nagtxt sakin pare bibigyan na

    lang kita ng spoiler may magpapalagay samin next week bigyan na lang

    kita.binigyan niya pa ko ng idea kung sinukatan nga ren nila ng

    spoiler sasakyan ko,meron nga ren resideu. tumawag na siya sabi nya

    "pare pasensya na nagkamali ung tao ko nasukatan ung sayo,P*T* (sori

    monds galit lang talaga kasi).. gagawin daw nila ung mga gasgas idedetail

    nila,wala pang 2 months ididetail na agad,kabwiset talaga.pinakausap ko

    na sa parents ko ung " OWNER " gagawin nga daw nila. sa galit ng parents

    ko gusto na sila idemanda sa kababuyang ginawa nila sa sakyan ko ng

    walang permission na susukatan o bababuyin oto ko...wala pang 2 months

    irerepaint na agad, grabe talaga to think na sikat na sikat siya..sabi ko

    hihingi kame ng bayad sa damage na ginawa nya sa oto ko,,sabi nya

    pasenya na talaga kakabitan ko na lang ng

    bodykit kotse mo aayusin namen yan--wow??! dumating si Xcbit PIMP MY

    RIDE?? kaya pala ayaw pa nila ibigay pa sakin ung sasakyan kasi hindi pa

    nila nareretoke yung mga sira.at ang galing nila magbalik hindi obvious

    kasi "disaligned ung mga fender liner and kulang kulang na mga lock at

    pins.

    until now hindi pa naaayos sasakyan ko..kaya mga sir ingat den sa mga

    papagawa ng kits sa napaka gandang nangyari nato nawala focus ko sa

    review ko,sobrang traumatic talaga e..sabi ng kapatid ko pakabit mo na

    lang ung body kit,e iniisip ko baka sobrang panget ng kalabasan at baka

    babuyin ulet e.so pinagiisipan ko pa ngayon anong gagawin kong

    aggrement sa kanila... baka my mga suggestions kayo ok den..ingat na

    lang tlaga.and wala pa ren sakin ung susi ko naka leave daw ung guard

    e,so minalas ako ulet susi ko tinago ung guard sa hindi nila alam na

    place..galing siguro sa taguan nung bata pa ung gaurd. kung sa inyo

    nangyari to mga sir anong action gagawin nyo?


    ( In short gumawa sila ng pattern sa sportage ko na hindi nagpapaalam)

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #2
    Yikes! Buti na lang, di ako fan ng body kits. Pero naman, that's too much! Binaboy talaga nila yung oto.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3
    binaboy nga

    bagumbago pa naman... sayang!

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #4
    sayang naman yung nasalaula. bad trip talaga yan.

  5. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,563
    #5
    badtrip talaga nangyari sa sasakyan nya.
    binaboy nga bagong bago pa naman.
    tsk tsk tsk.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #6
    hindi pa naisoli ang susi nya ... mukhang may masamang balak pang gawin sa kanyang oto ... carnap!

  7. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #7
    Nyahaha... S****r****... diba dun nakita ang na-carnap na Pajero ni Enrile? :bwahaha:
    Last edited by Flagg; November 15th, 2007 at 05:35 PM.

  8. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    98
    #8
    i suggest pag ganitong may rant, ipost kung anung shop ba.
    para to serve as a warning sa mga readers.

  9. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #9
    Punk My Ride ata ang ginawa dun eh. imbes na pagandahin, babuyin ang ginawa!

    sayang ang ride, time at money. tsk tsk

    dapat idemanda ang shop para ishutdown na!

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #10
    Quote Originally Posted by jing View Post
    i suggest pag ganitong may rant, ipost kung anung shop ba.
    para to serve as a warning sa mga readers.
    Starbright daw

Page 1 of 47 1234511 ... LastLast
Binaboy kotse nya