New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 38
  1. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #1
    Mahilig mamili ang misis ko. Kung nasa road kami, madalas ako paparahin sa mga stalls and vendors sa tabi ng highway na may tinitinda na type niya. OK naman in general ang experience namin. Usually, it's about 25-50% cheaper kesa dun sa kadalasang binibili namin.

    Pero twice na kami naloloko ng seafood vendor sa tabi ng kalye na walang stall -- booth lang kung meron man. They're the type na nakatayo sa giliod ng daan at winawagayway ang tinda nilang seafood like crabs, fish, or prawns.

    At sa magkaibang lugar pa ito ha!

    First time, sa highway to/from subic madaming nagtitinda ng crabs. Pinapara ako kasi mahilig siya at yung sister ko dun. Mura naman, buhay pa, at babae! Pag uwi namin, pinaluto agad -- excited na excited pa kami eh. Voila! Mas madami pang meat at aligi ang talangka! I've honestly never seen crab with such little meat in it! Feeling ko baka tinorture yung crab at habang buhay pa ay hineringilya ang aligi at laman nito para ilagay sa bote at ibenta (after dilution?) as taba ng alimango!

    Second time, sa paanan ng Kennon road. Last week lang! Nakakita siya ng prawns that looked really, really good and after haggling with an ill-toothed old woman agreed on a price about 30%-40% less than in manila. Bili siya ng madami -- 5 kilos yata. Sabi ko konti lang bilhin mo dahil naka experience na tayo ng masama diyan. Extra careful naman daw siya -- Pinakita pa sa amin yung timbang. Then binalot, nilagyan ng ice, at sinakay sa car -- libre na daw yung cheap timba. Ang catch, pagdating sa bahay yun pala puro ice yung laman ng timba at less than 1 kilo yung prawns!

    Itong second time na ito, feeling ko halos pro na yung nagtitinda -- as in pro na kawatan. Kasi para ma distract kami, nung pasakay na yung tinda, kinuyog kami nung mga katabing vendor screaming ever lower and lower prices! While that was happening, biglang naglaho yung matanda! Sumibat na ako dahil feeling ko kung minalas pa kami baka holdap pa abutin. At worst, feeling ko all of those people would've cheated us one way or the other -- hindi man sa timbang, baka sa sukli, or sa addition. You get the point.

    Kaya payo ko, kung bibili kayo sa roadside, as much as possible dun sa may puwesto kahit semi-permanent lang. Kung wala kasi, palipat lipat lang ng lugar at produkto ang mga iyan at manloloko ng taong inaasahan nila ay hindi na babalik for quite a while.


  2. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #2
    isama nyo pa yung mga nagtitinda ng prutas/pati yung ibang naglalako sa streets ng hipon, etc. hehe, yung iba may daya ung timbang! minsan pang balik bayan pa yung presyo haha...

    nako kuya, kung ako sa 'yo eh kung malapit lang yung wet market dun nalang kayo bumili.

  3. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #3
    Always try and see if the seller is legit. Daming beses na din kaming ganyan.

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #4

    We seldom patronize them..... Minsan ang isa kong passenger, may dalang sarili niyang panimbang.... Ayun,- huli,- madaya ang timbangan ng mga mok*ng na iyan!

    Ang masama, nagbabayad ka na ng tama,- dinadaya ka pa! Hindi mo sila mairerekomenda sa iba at wala nang babalik pa sa kanila!.... Hay naku,- mahilig kasi sa easy money ang ilan sa mga iyan!

    5606:jazzysax:

  5. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #5
    yung experience mo sa crab, imho, you are partly to blame. you should have known that any organism subjected to stress will lose some weight. in the case of the crab, it will be the fats and meat.

    yung sa shrimp, manloloko lang talaga yung nagtitinda.

  6. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    622
    #6
    Quote Originally Posted by pup2 View Post
    Second time, sa paanan ng Kennon road. Last week lang! Nakakita siya ng prawns that looked really, really good and after haggling with an ill-toothed old woman agreed on a price about 30%-40% less than in manila. Bili siya ng madami -- 5 kilos yata. Sabi ko konti lang bilhin mo dahil naka experience na tayo ng masama diyan. Extra careful naman daw siya -- Pinakita pa sa amin yung timbang. Then binalot, nilagyan ng ice, at sinakay sa car -- libre na daw yung cheap timba. Ang catch, pagdating sa bahay yun pala puro ice yung laman ng timba at less than 1 kilo yung prawns!

    kagagaling din namin ng baguio at nabiktima rin mother ko. 5 kilos din binili for P1,200, lang, may libre rin timba. doon din halos sa lugar na nabanggit mo. Estimate ko, lugi mother ko ng mga P600.

    easy money sa kanila sa ngayon, pero pag nagtagal at kumalat na ang raket nila, sila rin ang mawawalan.

    Sa mga may kakilala na papunta at pauwi galing baguio, warn nyo sila sa raket na ito.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,095
    #7
    thanks for the heads up...but I really don;t patronize this kind of sellers..pati yun mga "alige" na benta nila nakalagay sa bote eh...meron na rin halo....

    If I want to eat seafoods eh bili na lang sa Grocery or wet market, bettet yet punta na lang ng seasides at para wala ng lilinisin sa bahay...hehehe

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,095
    #8
    Quote Originally Posted by pup2 View Post
    Mahilig mamili ang misis ko. Kung nasa road kami, madalas ako paparahin sa mga stalls and vendors sa tabi ng highway na may tinitinda na type niya. OK naman in general ang experience namin. Usually, it's about 25-50% cheaper kesa dun sa kadalasang binibili namin.

    Pero twice na kami naloloko ng seafood vendor sa tabi ng kalye na walang stall -- booth lang kung meron man. They're the type na nakatayo sa giliod ng daan at winawagayway ang tinda nilang seafood like crabs, fish, or prawns.

    At sa magkaibang lugar pa ito ha!

    First time, sa highway to/from subic madaming nagtitinda ng crabs. Pinapara ako kasi mahilig siya at yung sister ko dun. Mura naman, buhay pa, at babae! Pag uwi namin, pinaluto agad -- excited na excited pa kami eh. Voila! Mas madami pang meat at aligi ang talangka! I've honestly never seen crab with such little meat in it! Feeling ko baka tinorture yung crab at habang buhay pa ay hineringilya ang aligi at laman nito para ilagay sa bote at ibenta (after dilution?) as taba ng alimango!

    Second time, sa paanan ng Kennon road. Last week lang! Nakakita siya ng prawns that looked really, really good and after haggling with an ill-toothed old woman agreed on a price about 30%-40% less than in manila. Bili siya ng madami -- 5 kilos yata. Sabi ko konti lang bilhin mo dahil naka experience na tayo ng masama diyan. Extra careful naman daw siya -- Pinakita pa sa amin yung timbang. Then binalot, nilagyan ng ice, at sinakay sa car -- libre na daw yung cheap timba. Ang catch, pagdating sa bahay yun pala puro ice yung laman ng timba at less than 1 kilo yung prawns!

    Itong second time na ito, feeling ko halos pro na yung nagtitinda -- as in pro na kawatan. Kasi para ma distract kami, nung pasakay na yung tinda, kinuyog kami nung mga katabing vendor screaming ever lower and lower prices! While that was happening, biglang naglaho yung matanda! Sumibat na ako dahil feeling ko kung minalas pa kami baka holdap pa abutin. At worst, feeling ko all of those people would've cheated us one way or the other -- hindi man sa timbang, baka sa sukli, or sa addition. You get the point.

    Kaya payo ko, kung bibili kayo sa roadside, as much as possible dun sa may puwesto kahit semi-permanent lang. Kung wala kasi, palipat lipat lang ng lugar at produkto ang mga iyan at manloloko ng taong inaasahan nila ay hindi na babalik for quite a while.

    ito sobra naman sa panloloko yan, 5 kilos naging 1 kilo na lang..hinde niyo ba na check na mabuti at masyadong naman yatang malayo ang bigat from 5 kilos to 1 kilo....

  9. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    913
    #9
    i guess these are the ones hawking shrimps/prawns along mcarthur highway in between pangasinan and la union border (yung sa may bridge). lagi ko nadadaanan ito pag umuuwi kami. di namin pinapansin kasi alam na namin. better kung sa may palengke na lang kayo dumiretso.

  10. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #10
    May mga tao talagang gagawin ang lahat magkapera lang. Parang ako. lol

Page 1 of 4 1234 LastLast
Beware of Roadside (seafood) vendors!