Mahilig mamili ang misis ko. Kung nasa road kami, madalas ako paparahin sa mga stalls and vendors sa tabi ng highway na may tinitinda na type niya. OK naman in general ang experience namin. Usually, it's about 25-50% cheaper kesa dun sa kadalasang binibili namin.

Pero twice na kami naloloko ng seafood vendor sa tabi ng kalye na walang stall -- booth lang kung meron man. They're the type na nakatayo sa giliod ng daan at winawagayway ang tinda nilang seafood like crabs, fish, or prawns.

At sa magkaibang lugar pa ito ha!

First time, sa highway to/from subic madaming nagtitinda ng crabs. Pinapara ako kasi mahilig siya at yung sister ko dun. Mura naman, buhay pa, at babae! Pag uwi namin, pinaluto agad -- excited na excited pa kami eh. Voila! Mas madami pang meat at aligi ang talangka! I've honestly never seen crab with such little meat in it! Feeling ko baka tinorture yung crab at habang buhay pa ay hineringilya ang aligi at laman nito para ilagay sa bote at ibenta (after dilution?) as taba ng alimango!

Second time, sa paanan ng Kennon road. Last week lang! Nakakita siya ng prawns that looked really, really good and after haggling with an ill-toothed old woman agreed on a price about 30%-40% less than in manila. Bili siya ng madami -- 5 kilos yata. Sabi ko konti lang bilhin mo dahil naka experience na tayo ng masama diyan. Extra careful naman daw siya -- Pinakita pa sa amin yung timbang. Then binalot, nilagyan ng ice, at sinakay sa car -- libre na daw yung cheap timba. Ang catch, pagdating sa bahay yun pala puro ice yung laman ng timba at less than 1 kilo yung prawns!

Itong second time na ito, feeling ko halos pro na yung nagtitinda -- as in pro na kawatan. Kasi para ma distract kami, nung pasakay na yung tinda, kinuyog kami nung mga katabing vendor screaming ever lower and lower prices! While that was happening, biglang naglaho yung matanda! Sumibat na ako dahil feeling ko kung minalas pa kami baka holdap pa abutin. At worst, feeling ko all of those people would've cheated us one way or the other -- hindi man sa timbang, baka sa sukli, or sa addition. You get the point.

Kaya payo ko, kung bibili kayo sa roadside, as much as possible dun sa may puwesto kahit semi-permanent lang. Kung wala kasi, palipat lipat lang ng lugar at produkto ang mga iyan at manloloko ng taong inaasahan nila ay hindi na babalik for quite a while.