
Originally Posted by
ownertype
brod clavel, baka naman talaga hirap yung kapitbahay mo ilabas yung sasakyan given that space for him to back up from his garage. Based sa measurement na binigay mo, kung car yun at PS kaya ilabas yun pero kung Van/Pickup yun tapos di pa PS ilang atras abante gagawin niya para lang makalabas. Also baka makitid masyado yung house garage/driveway niya na tipong hindi niya makabig yung manibela hanggat di niya nailalabas fully yung sasakyan. I hope napipicture mo yung sinasabi ko. Kung siguro kasing galing natin yan sa pagmamaneho kaso baka matanda na yan and hirap sa kalkulasyon sa pag atras ng sasakyan.
Actually ganyan din situation ko sa amin, ako naman ang hirap talaga pumasok at lumabas ng garahe pag may nakaparada sa kabilang side ng tapat ng bahay namin. Una makitid ang kalye namin then makitid din garahe ko. Kaya kailangan kukuha ka ng buwelo sa pagpasok para makuha ko makapasok ng isang likuan sa garahe namin. Tapos kailangan may mag assist pa sa akin sa pag atras, mahirap na maatrasan ang kotse ng kapitbahay dahil ako gagastos ng pagawa niyan. So in short kaya naman ipasok or lumabas pero hassle sa part ko. Tapos baka naiinis pa sa iyo yan dahil may parking naman sa tapat ng bahay mo di ka pa dun nag park. Maganda niyan magusap kayo para no hard feelings.