Hingi na rin ako ng advise since medyo related ito..
There is this new Altis parked in front of our driveway at nagre rent yung me ari ng Altis sa opposite na bahay. The problem is, hindi naman mismo sa gate namin nakablock pero sa opposite side ng daan. I can get out of the gate (pero pahirapan - at konting pasensyahan) but I can hardly get in since patalikod ako kung magpark.
One time, dumating ako at yung Altis hindi pa naka ayos ang pagparada niya sa tapat. So I tried my luck this time dahil feeling ko kakasya ako. To my surprise, I cannot get inside our gate. I was inches from the gate and the Altis. HIndi ko maimagine na naging perpendicular na yung sasakyan ko dun sa Altis. A lot of bystanders came to my aid and said wag na ako gagalaw even an inch dahil talagang tatama na ako either way. I cannot count how may times I moved back and forth just to gain an inch or two of space going towards the garage.
So, my wife came to my aid and decided to knock on the door of the on owner at the other house and the owner came out and moved his vehicle and I was able to get in. I told the Altis owner na sana wag naman magpark dun sa tapat at imove na lang niya ng unti kahit kalahati okey lang.
In fairness, nag oo naman siya at sabi pa nya, di naman daw siya palagi nag iistay sa bahay. At yun na lang daw talaga spot nya sa parking kasi occupado na yung iba. Pero iniinsist ko pa rin na para di siya maistorbo eh gawan na lang nya ng paraan.
When I went back to check on my car, napansin ko nagasgas yung rear bumper ko at may tire black yung harap na bumper - an indication that I hit the rear tires of the altis (whew, buti na lang gulong lang) and I hit the door of the gate.
Well, it's my fault since ako ang driver kaya kahit na mainit init pa ang dugo at ulo ko, I just decided to call it a day at umiwas na lang sa gulo. Kung tutuusin, sana di ko na kasi pinilit. Pero di ako nakatulog ng gabing yon.
Ngayon parang wala pa ring nangyari dun sa pakiusap ko. Tuwing dumarating ako galing work at nandun siya sa harap, pinapatawag ko na imove nya sasakyan nya. No complaints siya pero sa part ko naman, abala talaga pero yun lang kasi ang choice kesa i risk ulit yung nangyari. Ano po ba maganda gawin?
Mapagpasenya naman ako pero baka dumating yung time na ewan ko kung ano puwede pumasok sa ulo ko.. Inisip ko hindi naman talaga akin yung daan pero sana may konting considerasyon..
Pwede ko na ba idulog sa barangay ito? Ayoko talaga ng gulo as much as possible but this has become an issue which I'm beginning to seriously settle in any manner possible.
Thanks ..