New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 16 FirstFirst 1234567814 ... LastLast
Results 31 to 40 of 154
  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #31
    pagusapan na lang un.. kasi pag un mga dapat ganyan dapat ganyan baka magkagasgasan ng oto eh

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #32
    Quote Originally Posted by odell
    pagusapan na lang un.. kasi pag un mga dapat ganyan dapat ganyan baka magkagasgasan ng oto eh
    lol wala akong naintindihan sa post mo ah. :lol: o slow lang ako. hehehehe
    biroooooo langggggg

  3. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,973
    #33
    buti na lang may nag bring up nitong topic na ito! sa compound namin, talamak sa ganitong klaseng sitwasyon. 2 cars lang ang kayang dumaan dito sa compound namin. and usually the right side gets parked most of the time and yung left side na yung mismong driveway. most of the time if not always there's this neighbor na laging nagpapark sa tapat ng bahay ng kapitbahay namin and lagi na lang sagabal sila. and they know it. gusto talaga nilang nahahassle sila to move their car.

    and eto pa, yung garage sa tapat ng kapitbahay namin is usually empty, and they treat this as their own garage. sila pa talaga nagagalit pag merong nagpark sa harap ng garage na yun. ang kapal talaga ng mukha! sobra! nakaaway ko na nga yan eh. pero ngayon pinababayaan ko na lang sila. sobrang inis ko sa kanila because of the trouble they cause to my neighbors if not sa akin. just this night, nagalit yung driver nung car na yun kasi may naka-block sa kanya. kailangan nya kasing palitan yung car na naka-park dun for the coding one (this is for tomorrow) the nerve talaga.

    ito pa ang talagang masama, kung umuwi man ang may-ari ng bahay na yun, dun pa rin sila nagpapark. di na lang pinapakailaman ng may-ari (bagong lipat lang kasi)

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #34
    alam mo yun ang masama minsan pag bagong lipat ka.

    ang hirap hindi nila alam kung ano klaseng tao yung lumipat. wahahahaha

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #35
    dati ganyan din kami ng kapitbahay ko nung sa blue ridge pa ako nakatira... yung katapat namin magkatapat gate namin... pero ang gate namin medyo lubog sa property line so parang may drive way before our gate... nung minsan tinamad si erpat ipasok oto so sa driveway nya park yung oto... not one inch nasa road any part of the car... aba kumatok ba naman yung guwardya nung kapitbahay at alisin ko daw yung oto namin at di makalabas amo daw nya... sinagot ko... pre ang bobo naman ng amo mo, ang lapad ng kalsada di pa nya kaya... at ano paki mo eh lugar na namin ito... and they even park in front of our house... wala sya nagawa...

    there was also another time nag party yung katapat namin na yun... all the guests' cars blocked the whole street as in one big parkig lot yung buong street namin... eh kami yung sa dulong bahay... deadend kasi yung street namin... nung pag tapat ko sa street kinawayan na ako agad nung guard bawal daw pumasok... sinabi ko ganun ba? iniwan ko oto ko sa gitna nung street blocking all cars... sabay tanong nung guard saan daw ako pupunta di daw pwede iwan oto ko dun... sinagot ko bahay ko nasa dulo hinarang nyo buong kalsda tapos ako di makapasok sa bahay ko... bahala kayo dyan at kung may mangyari sa oto kahit isang gas-gas, yari ka sa akin kaya bantayan mo yan... left him guarding my car the whole party... scrathed a few car while walking home... after that kilala na nila ako and bumait na yung guard sa akin...

  6. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #36
    Quote Originally Posted by rayana
    i agree with them. mahirap makaaway ang kapitbahay. sabi nga eh, love thy neigbor.

    ika nga ni Blade... keep your friends close and you enemies closer

    minsan kasi may mga taong wala talagang paki... nung minsan nandun ako sa lola ko sa san Juan near xavier and ICA... 3 pm na so labasan na ng mga bata... so tambay muna ako sa may gate kasi trapik sayang lang gas kung lalabas na ako... bigla may isang oto nag park sa mismong driveway namin sabay baba at lock ng oto... tinawag ko wag mo iharang yan dyan... aba sumagot pa sandali lang naman daw sya... sinabi ko nakikita mo bang gate ang hinaharang mo?... galit pa na sumagot ulit na sandali lang daw sya... sinagot ko ulit... pre akin na lisensya mo... punta tayo dun sa pulis sa kanto. inalis nya oto...

  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #37
    Quote Originally Posted by clavel3699
    boss hindi ako sa tapat nang bahay nya nasa kabilang ibayo ako nang tapat nang bahay nya. tapat ako nang bakanteng lote.
    Ah ok. Sorry for the confusion. May karapatan ka ngang mainis. Eh baka nga hengot mag-labas ng kotse sa garahe nya. Still, pag-pasensyahan mo na. Isipin mo na lang na 'di hamak na mas magaling kang mag-maneho kaysa kanino man sa household nila.

    Okay din ang suggestion ni FM. Kausapin mo na lang siguro.

    As for the suggestion ni BBimmer, kung ganun ang gagawin mo, sabihin mo sa 'kin. Tututuran kitang gumawa ng malufet na molotov cocktail. Just kidding. Wag mang-sunog ng bahay. Sayang tubig.

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    546
    #38
    mas nakaka bwisit gabing gabi na, nag iiwan pa ng reserve parking sa kalsada, anak ng pakwan, sarap nakawin yung reserve parking na sign para mataohan. hehhehee

    kagabi muntik ko na gawin yun, hehe inatrasan ko na lang yung reserve parking sign sa kalsada, patay malisya meron sign dun, 11:30 pm na reserve parking parin sa kalsada, pwede ba pa titulohan ang kalsada?

  9. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,243
    #39
    brod clavel, baka naman talaga hirap yung kapitbahay mo ilabas yung sasakyan given that space for him to back up from his garage. Based sa measurement na binigay mo, kung car yun at PS kaya ilabas yun pero kung Van/Pickup yun tapos di pa PS ilang atras abante gagawin niya para lang makalabas. Also baka makitid masyado yung house garage/driveway niya na tipong hindi niya makabig yung manibela hanggat di niya nailalabas fully yung sasakyan. I hope napipicture mo yung sinasabi ko. Kung siguro kasing galing natin yan sa pagmamaneho kaso baka matanda na yan and hirap sa kalkulasyon sa pag atras ng sasakyan.

    Actually ganyan din situation ko sa amin, ako naman ang hirap talaga pumasok at lumabas ng garahe pag may nakaparada sa kabilang side ng tapat ng bahay namin. Una makitid ang kalye namin then makitid din garahe ko. Kaya kailangan kukuha ka ng buwelo sa pagpasok para makuha ko makapasok ng isang likuan sa garahe namin. Tapos kailangan may mag assist pa sa akin sa pag atras, mahirap na maatrasan ang kotse ng kapitbahay dahil ako gagastos ng pagawa niyan. So in short kaya naman ipasok or lumabas pero hassle sa part ko. Tapos baka naiinis pa sa iyo yan dahil may parking naman sa tapat ng bahay mo di ka pa dun nag park. Maganda niyan magusap kayo para no hard feelings.

  10. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    734
    #40
    good fences make good neighbors

    nakakahighblood naman yan! buti nlng wala akong problemang ganyan!

    samin aybody can park their car in front of our house since lagi ko naman pinapasok oto hwag lang yun balasubas na park to the point na di ko maigalaw gate palabas. ang problema yun mother ko naman ayaw(hehe) sabi ko "ma, ok lang yan kesa naman kng saan saan nila iparada yan sa kalye sagabal sa mga dumadaan kaya ok lng itabi nila dito. "

    ugali ko na ksi yun ayaw ko makaabala sa ibang tao eh at makapurwisyo sa paligid.

    mahirap tlaga intindihin utak ng tao. lalo na kng puro sarili nasa utak

    subukan mo kya mag barbel /weights sa gate ng bahay nyo yun nakikita ka ng kapitbahay mo habang nakatingin sa bahay nila hehe. tapos magdala ka na rin ng punching bag kunwari nagpapraktis sa isang major match ala pacquiao hehe

    minsan ksi may mga tao na walang respeto ksi sa tingin nila kaya ka nila

    para maintimidate maangas eh

Page 4 of 16 FirstFirst 1234567814 ... LastLast
bad trip na kapitbahay...