Yung mga mahihilig sumingit before a flyover (particulary at Tandang Sora - going to Elliptical Road). Always assuming na may magpapasingit sa kanila, The nerve of this Drivers.
i agree. one time nagsasalitan na yung lane ko at yung mga singit boys tapos last na dapat na singit boy yung pinasingit ko bigla ba namang may puting sta fe na gusto pang humabol at sumingit sa harap ko. e di syempre di ko pinasingit. nung nakapasok na siya after ko, nagbright pa ng ilaw! bastos na, pikon pa. labo talaga ng mga ganung tao. e di syempre binagalan ko na halos gapang. e di napilitan siyang lumipat ng lane at humarurot. hehe paki ko sa kanya. :-P
OT lang mga parekoy......
Kung madaanan niyo ung Edsa cor. Macapagal ung going to MOA, mapapansin niyo na meron palaging pasay traffic enforcer doon sa gitna. Nag aantay ng may mahuli pag hindi ka nag L-Turn at dumeretso ka. 3 Lanes ang L-Turn doon kaya kahit na sa pangatlong lane ka, dapat mag L-Turn ka kung hindi ikaw ay mahuhuli. Sa Macapagal - cor. World Trade kailangan naman nasa inner most lane ka (motorcycle lane) if you are turning right to world trade or else mahuhli ka kahit nasa 2nd lane ka pa. Who determines kung ilang lanes ang alloted for turning? doon sa edsa-macapagal tatlo sa world trade naman motorcycle lane lang.![]()
![]()
Yaan ang nakakabadtrip na diskarte eh? may mga kanya kanyang standards mga T.E.
Okay lang sana kung sanay and everyday ka dumadaan at alam mo yun kalakaran.
Kaya ang haba ng pila nung mga pakanan ng world trade, kadalasan 2nd lane gamit ko thankfully hindi pa ako natsambahan dyan.
Still thanks for the heads up!
^
un na nga sir, kanya kanyang standard. mga p*ta%ng i#* mga pasay traffic enforcer na yan. every night kasi doon ang way ko north bound and at least three times a week may nakikita akong nahuhuli matagal kasi stoplight doon.![]()
Usually sa 2nd lane din ako dyan kapag mag leleft turn going to coastal mall... di ko napapansin yung markings ng kalsada, but if it is solely painted for left turning, may point naman mga TE. Pakicheck na lang sa mga dadaan dyan mamaya. Dapat yung sign sa kalsada na nakapintura sa 3 lanes eh pakanan lang at walang padiretso.![]()
^
In contrast dito naman sa kabilang side sa CCP complex going to vito cruz inersection, kahit nasa right most lane ka, pwede ka pa rin kumaliwa hindi ka huhullin ng manila traffic enforcer.sa pasay lang mahigpit.
![]()
agree...kaya nga tinawag na free for all parking. "ano gusto mong courtesy since wala naman may ari nung parking, lahat kayo dyan na magkakapitbahay e pagpaalaman pa nya?...."huwag mo angkinin ang hindi sayo".
maganda nyan ay pag usapan nyo na lang magkakapitbahay patungkol dyan sa parkingan nyo.
o di kaya ay next time agahan para sa pagpapark.
Nahuli na rin ako dyan. Alanganin naman kasi yung daan dahil ma pa-derecho papuntang CCP pero di naman straight, medyo pakurba so nakakalito talaga. So galing MOA nasa 2nd lane nga ako pagkanan ko me mga nakaabang na na TE's. Pila kami na pinag-huhuli. Nagpaliwanag ako at humingi ng pasensya kasi di nga ako lagi dumadaan doon kaya di ko alam na me ganun palang patakaran. Buti naman nakuha sa pakiusap (at face value na rin siguro. hihi).![]()
Na dale din ako dyan matagal na halos bago palang ang MOA tapos wala pang mga sign board nasa U-turn slot palang yung lane ko eh papapunta ako MOA so diniretso ko bigla humarang TE muntik ko na ma banga.. sa asar ko bumaba ako at nakipag sigawan din hehehe sabi ko kung gusto nya mag pakamatay wag sya mang damay. naka upo ba naman biglang humarang sa gitna..tapos sinabi nya violation ko. katwiran ko wala naman sign na pang U-Turn slot lang yon. (wala pa naman talaga) sabi nya meron daw sa poste malapit sa bridge halos nasa outer lane na yon sa kanan ang liit pa.. nag tatalo kami. Sabi ko hindi mo ba nakikita yung kasama ko (may kasama ako isang arabo pasahero ko kasama ko sa work) sabi ko taga UAE embassy yan pinapasyal ko para sa bussiness venture pag nag reklamo yan kasi na delay sya baka ikaw ang ma sabon ng boss mo... Biglang humirit "hindi naman lahat ng pinapara hinuhuli" pina alis na ko at mag ingat daw mag drive hehehe pero nag papa rinig na 1k daw.
pag balik ko sa car kwento ko sa kasama ko tawa ng tawa sakin.. kala nya daw kaya ako hinuli kasi di sya naka seatbelt
OT lang ulit.....
Nagpa renew ako ng license kanina sa DLRC.... nagulat ako bigla ako tinawag may "alarm list" daw ako sa mmda.nung chineck ko ung date May 2010 pa eh nakapag renew naman ako ng license nung June 2010. Hindi ko maisip kanina kung anong violation ko noon sa tagal ba naman.
natandaan ko lang kanina na minor vehicular accident pala un nangayri nung May 2010 pero Police ng SanJuan ung nag asikaso, may police report naman at charge to insurance na mga damage. Bakit naka record pa rin sa MMDA yan?? I mean, hindi ko naman tinakasan ung nakabanggaan ko.
Pinapapunta tuloy ako sa MMDA head office. Hassle.
![]()
magkano ba dapat bayaran sa MMDA para ma clear ang "alarm list"? sandali lang ba na proseso ito?
![]()
every traffic accident ba may violation ka na? ang alam ko kung nakaabala lang kayo sa main thoroughfare kung doon nangyari ang banggaan... obstruction ang violation nyo pareho. pafeedback paps kung yun nga yung alarm mo ha.
sa website ng MMDA:
000 INVOLVED IN ACCIDENT 0.00 0.00 0.00 = alang penalty oh
http://www.mmda.gov.ph/penalties.html
sakin sir di naman masama yun, kasi sa pinapasukan ko, may spot na malilim talaga and may lagi nakapark dun, pero nung umalis na sya ako na nagpapark dun and nakasanayan na until such time na may spots talaga kami, pero may times din na nag rereshuffle and for me ok lang naman di naman nakapangalan sakin. unahan lang din minsan and respect. pero pag may bagong spot na malilim edi dun ako lipat :D
maraming salamat sir stickers! hmmm..... maybe un nga obstruction ang violation. nakita ko dun sa penaly list Php150 lang pala. pero sana reconsider na involved in accident para wala ng bayaran. pero kahit na, ang hassle pupunta pa dun sa MMDA Orense.![]()
Anyway, balitaan kita sir bukas kung ano ba talalag naging violation sa "alarm list". Ma lifted na ba agad ung "alarm list" ko pag na settle na? para ma renew ko na license ulit sa LTO.
ang pinaka-ayaw ko, yung mga nag-counterflow during traffic.
sarap bigyan ng piso o kaya limang piso sa windshield..
sa coastal ba yan??? bwisit nga yang mga singit, o kahit saan pa tollgate, dapat kung nag kamali eh mag hintay sila pag bigyan sila, ang mali kasi wala lane marking sa road patungo toll gate kaya di mo malaman kung saan ang tama pila...
ako one of my hate is drivers slamming on their brakes when going down a bridge!!! this is very dangerous...