Imposibleng wala akong ma encounter na ganyan sa EDSA within a week, at least several times may nakahighbeam at nakatutok sa likod ko. Nakakahighblood minsan. Parang gusto ko tuloy lagyan ng high intensity led light yung likod ko na may manual switch para kapag naninilaw siya ay masisilaw ko rin siya.
Posted via Tsikot Mobile App
Sakit sa ulo ang mga yan. Nung fiesta pa car namin, mapipilitan ka talaga iadjust yung rear view mirror mo. Madalas innova at Starex. Madalang yung mga malalaking SUV.
Kelan kaya mauuso yung led sheet na puwede ikabit si likod para you can give them the finger :-).
Ngayon ok na dahil me auto dim na yung rear view mirror ko.
Madalang ako makakita ng motorcycle rider na meron good driving etiquette. Singit dito, singit doon. Ok lang naman kung kasya pero ang mahirap hindi man lang nagmiminor.
Naisip ko tuloy yung mahahabang zip ties na nakalagay sa gulong ng mga taxi. Whatif lagyan ng matulis na lata sa dulo. Sorry na lang.
Minsan may hawig dyan ginagawa ko. Kapag traffic at umandar na sa harap ko di ko inaabante. Bubusina siya na parang di alam na nakakasilaw headlights niya pero deadma ako. Kapag may good distance na sa harap ko bigla kong aabante ng mabilis while focusing na walang papasok sa lane ko sa harap. Objective is to have another car switch lane behind me para may shield ako sa ilaw. Minsan effective, kaya lang after awhile lumilipat ng lane yung sumingit, kaya silaw ulit ako. Kaya repeat the process again.
Posted via Tsikot Mobile App
ang gawain ko babagalan ko pa, para mag overtake sha, then ako naman tutok sa likod, hindi para silawin sha, maganda panghawi ng cars un makasilaw na headlights. so ung masilawan nya maiinis sa kanya, ako naman e nakikisabay lan hehehe
Sent via LaTE Network
HBF 958 pre facelift Honda City Black, Sir/Ma'am yung mga amiga mo huwag mo hintayin sa gitna ng main road at nakahambalang pa yung auto mo. Itabi mo naman ng maayos para hindi ka namin hintayin habang nagsasakay ka ng mga amiga mo, paano pag meron emergency eh di lahat naabala mo tapos namatay yung pasyente dahil nahihirapan yung mga amiga mo sumakay.
Sa province hihinto yung dalawang bus sa daan, para ilipat ni bus 1 yung inspector kay bus 2. May instant traffic light, pede naman ibaba sa waiting shed si inspector at tumawid na lang kung gusto inspect yung return bound na bus, busit parang sila may ari ng daan.
The number of balasubas drivers are multiplying...and they don't have the slightest inkling that their driving ettiquette is bad...
Mostly PUVs and MCs. Not surprised at all.
Another thing that annoys me: Mga naghihintay ng susunduin nila dito sa Reedley International School near the intersection of Ortigas and C5. Ginagawang parking lot ang isang lane kaya masikip lagi ang traffic. Dati may billboard pang naka-display dun sa school na parang "I tell my driver the exact time to pick me up, I do not cause traffic" or something in that sense. Na-realize sigurong hindi kayang panindigan kaya tinanggal na. Hehe.